Você está na página 1de 21

Antas ng pang-uri

CRISTINA D. DAMASCO
 Nakakita na ba kayo ng sisiw,
lawin at uwang?
Anu-anong mga hayop ang nakita mo sa larawan?
Ang Lawin, ang Sisiw, at ang Uwang
Magaganda ang ibon. Higit silang maganda kaysa
sa ibang uri ng mga hayop na lumilipad. Ang
pagmamasid sa kanila ay nakalilibang at
nakapapawi ng mga suliranin. Maraming uri ang
mga ibon. Sari-sari ang kanilang anyo, kulay at
laki. May mga ibong maliit. Mayroon ding malaki.
Ang lawin ang pinakamalaki sa mga pang-
karaniwang ibong nakikita natin sa paligid.
Higit na malaki ang lawin kaysa sa pipit. Ang lawin ay lalong kilala bilang
hari ng mga ibon. Mahilig siyang mandagit ng mga sisiw.
Isang araw, habang naglalaro ang mga inakay ng isang inahing manok,
isa sa kanila ang napahiwalay sa kanyang mga kasamahan. Malakas ang siyap
ng sisiw sa paghanap sa kanyang mga kapatid. Higit na malakas ang siyap ng
inahin sa pagtawag sa anak. Ngunit sa kasamaang palad, lalong napalayo ang
naligaw na sisiw sa kanyang mga kasamahan. Sa kanyang pag-iyak, narinig
siya ng lawin. Nabighani ito sa kanyang huni at nang mapansin nitong nag-iisa
lamang ang sisiw, dali-dali niya itong tinugis. Nakita naman agad ng sisiw ang
lawin kaya matulin itong nagtago sa isang butas na tinitirhan ng isang maliit na
uwang. Kahit maliit ang uwang, siya ay kasintapang din ng lawin. Nang makita
niya ang balak gawin ng lawin,agad niyang pinakiusapan ito na huwag sanang
saktan ang kaawaawang sisiw.
“Huwag mo sanang saktan ang sisiw. Higit na mahina siya kaysa sa
iyo,” sabi ng uwang. Ngunit nagalit pa sa kanya ang lawin. Ang sabi nito,
“Magagawa kong lahat ang gusto ko sapagkat ako ang hari ng mga ibon. Ako
ang pinakamakapangyarihan sa lahat.”
“Ikaw nga. Ngunit hindi mo ba alam na maaaring magkaroon ka rin ng
katapat sa iyong mga kasamaan?” sagot ng uwang. “May higit na malakas,
matapang, at makapangyarihan kaysa sa iyo.”Nagalit ang lawin sa sinabi ng
uwang. Bigla niya itong tinabig kgasabay ng pagdukot sa takut na takot na
sisiw na nasa taguan. Ginamit ng lawin ang matutulis niyang kuko sa pagsaklot
sa sisiw. Kanya itong inilipad sa kanyang pugad. Sa ginawang ito ng lawin,
nagalit din ang uwang. Sinundan ng uwang ang lawin upang alamin kung saan
ito tumitigil. Nakita naman ng uwang ang pugad ng lawin at sinagip ang takut
na takot na sisiw.
Tanong:
1. Paano pinaghambing ang lawin at ang uwang?
2. Paano naman pinaghambing ang lawin at ang sisiw?
3. Paano naman inihambing ng lawin ang kanyang sarili sa
iba?
4. Paano inihambing ang ibon sa ibang uri ng hayop na
lumilipad?
5. Kung ikaw ang pagpipiliin, alin ang gusto mong maging
katulad, ang lawin o ang uwang? Ipaliwanag.
Narito ang mga pangungusap na hango sa pabulang
iyong binasa.
A. Malakas ang siyap ng sisiw sa paghanap sa kanyang mga
kapatid.
B. 1. Higit na malakas ang siyap ng inahin sa pagtawag sa
anak.
2. Ang uwang ay kasintapang din ng lawin.
C. Ang lawin ang pinakamalaki sa mga pangkaraniwang
ibong makikita natin sa paligid.
- Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?
pang-uri
Ano ang pang-uri?
Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan
sa pangngalan o panghalip?
- Ang pang-uri ay may tatlong kaantasan.
Ang pang-uri ay nasa antas lantay kung iisang tao, bagay,
hayop o pook ang inilalarawan.

Ang pang-uri ay nasa antas pahambing kung dalawa


ang pinaghahambing.
• Hindi magkatulad ang katangiang inihahambing kaya ginagamitan ng
salitang higit. Maaari ring gamitin ang mas.
halimbawa: mas maganda

• Magkatulad ang katangiang pinaghahambing kaya ginagamitan ng


panlaping kasing. Maaari ring gamitin ang magkasin.
- Halimbawa: magkasintayog
-Nasa antas pasukdol ang pang-uri kung higit sa
dalawang tao,bagay, hayop o pook ang pinaghahambing
at ang isa ay nagtataglay ng pinakamataas na katangian
sa lahat.

- Nilalapian ng pinaka, napaka o sinasamahan ng ubod,


sukdulan, nuno, lubha, masyado, totoo, talaga, tunay
ang pasukdol.
Pangkatang -
Gawain
Pangkat 1
Punan ang patlang ng wastong anyo ng pang-uri na
angkop sa pangungusap.
1. Sina Sammuel at Anjo ay ____________ (taas).
2. ____________ (bilis) ang usa kung tumakbo.
3. Ang aking bunsong kapatid ang ____________
(likot) sa mga batang lalaki.
4. ____________ (hinahon) siya sa lahat ng oras
at pagkakataon.
5. Ang hilaw na mangga ay ___________ (asim)
kaysa sa sampalok.
Pangkat 2
Piliin ang pang-uri na angkop sa pangungusap.
1. (Matayog, Mas matayog, Kasintayog) ng pangarap ng
kanyang ama ang pangarap ni Mauro.
2. Ang Pilipinas ang (unang, higit na unang, pinakaunang)
Republika sa buong Asya.
3. (Malayo, Magsinglayo, Pinakamalayo) ang Maynila sa
Herusalem. 4. (Magiting, Paris na magiting,
Pinakamagiting) sina Dr. Rizal at
Andres Bonifacio.
5. Si Mando ay (mahusay, mas mahusay, hari ng husay) na
aktor.
Pangkat 3

Sumulat ng mga pangungusap na pinaghahambing ang


sumusunod.
1. Ang alaga mong aso at ang alaga ng iyong mga
kaibigan
2. Dalawang punong atis
3. Isang manggang hinog at isang manibalang
4. Si Jose Rizal at ibang mga bayani
5. Ang iyong guro
Pangkat 4

Piliin ang wastong pang-uri na nasa loob ng panaklong na


angkop sa pangungusap.
1. (Mas malawak, Malawak, Pinakamalawak) ang Dagat-
Pasipiko kaysa sa Dagat-Atlantiko.
2. Si Kim ay (magaling, ubod ng galing, higit na magaling)
sa paglalaro ng chess.
3. (Pinakamataas, Mataas, Magsintaas) ang Mt. Apo sa
lahat ng bundok sa Pilipinas.
4. Ang araw ang (pinakamalapit, mas malapit, malapit) na
bituin sa daigdig.
5. (Higit na matayog, ubod ng tayog, matayog) ang lipad ng
ibon kaysa manok.
Pangkat 5

Punan ang patlang ng wastong anyo ng pang-uri na


aangkop sa pangungusap.
1. _____________ (sipag) si Rose kaysa kay Alona.
2. _____________ (lambot) ng mamon ang puso ng
pinsan ko.
3. _____________ (talino) ang kuya ni Sammeiah.
4 – 5. Sa lahat ng prutas, ____________ (baho) ang
amoy ng durain subalit ito ang ___________ (sarap).
Talakayan sa mga
ginawa ng bawat
pangkat
• Ang pang-uri ay may tatlong antas:
1. Lantay – kung iisang tao, bagay, hayop o pook ang pinaghahambing.
2. Pahambing – kung dalawang tao, bagay, hayop o pook ang
pinaghahambing.
Ang dalawang pinaghahambing ay maaaring magkatulad o magkaiba
ang katangian.
• Hambingang magkatulad
o a. Ginagamitan ng panlaping sing, - magkasing
o b. Ginagamitan ng kapwa, gaya, paris
• Hambingang Di-magkatulad
o a. Ginagamitan ng mga salitang mas o higit at
kaysa o sa.
3. Pasukdol – kung higit sa dalawang tao, bagay, hayop o pook ang
pinaghahambing.
- ginagamitan ng panlaping pinaka o napaka o sinasamahan ng ubod,
sukdulan, nuno,
Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong lugar noon at ngayon.
Gamitin ang iba’t ibang antas ng pang-uri.
____________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_______________.

Você também pode gostar