Você está na página 1de 22

ANTAS NG PAGBASA

BATAY SA LAYUNIN AT
PAMAMARAAN
Pagbasa batay
sa layunin

1. Masusing Pagbasa- Ito ay pagbasang sensitibo na nangangailangan ng


kritikal na pagsusuri at nagbibigay lohikal na interpretasyon sa tekstong
binabasa. Ninanais ng ganitong pagbasa na mabatid ang mga
mahahalagang kaisipang ipinahahayag sa teksto

2. Masaklaw na Pagbasa- ito ay pagbasa at pag-unawa sa


pangkalahatang layunin ng teksto. Nakapokus ang ganitong pagbasa sa
kabuuang nilalaman ng teksto
Pagbasa batay sa
Pamamaraan

1. Tahimik na Pagbabasa- Ito ang pinakamataas na antas ng pagbasa dahil


nakatuon lamang ang konsentrasyon ng bumabasa sa teksto kung kaya’t
nakapagbibigay siya ng mabisang interpretasyon at reaksyon sa tulong
lamang ng mata, isip at damdamin. Walang puwang dito ang paggamit ng
bibig at wala ring iniintinding tagapakinig sapagkat ang mambabasa ay
gaganap batay sa pangsariling pagbasa lamang.

2. Malakas/Pasalitang Pagbasa (oral reading)- Ito ang pagbasang


nangangailangan ng interaksyon mula sa bumabasa at ang mga
tagapakinig. Isinasaalang-alang dito ang masining at mabisang pagbasa sa
tekstong kinasasangkutan ng wastong pagbigkas ng mga salita gayon din
ang sapat na tinig upang maunawaan ng makikinig. Kadalasang
ipinagagawa ito sa mga mag-aaral upang masanay ang kanilang
kakayahang magpahayag nang pasalita.
Pagbasa batay sa
Pamamaraan

3. Mabagal na Pagbasa- Ito ay maluwag na pagbasa sapagkat may


pagkakataon ang mambabasa na isa-isahin at pagtuunan ng pansin ang
mga pangunahing kaisipang inilalahad sa teksto.

4. Mabilis na Pagbasa- Ito ang agarang pagbasa na kadalasang ginawa ng


mga taong bihasa na sa pagbabasa o may pangunahin ng kaalaman sa
teksto. May dalawang kapamaraanan ang mga mambabasang
gumagawa nito.
Layunin:
1. Matukoy ang iba’t-ibang Antas ng
Pagbasa.
2. Malaman ang pagkakaiba ng bawat
Antas ng Pagbasa.
3. Matalakay ang limang hakbang sa
sintopikal na pagbasa.
Tinukoy nila sa kanilang
aklat ang Apat na Antas ng
Mortimer Adler Pagbasa sa kanilang aklat
na How to Read a Book.

Charles Van Doren (right), with Vivienne Nearing and Jack Barry on
Twenty One
Antas ng Pagbasa

Primar Mapags
yang iyasat
Anta na
Analitik
s Sintopik
Antas
al na al na
Primaryang Antas ( Elementary)
- Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong
upang makamit ang literasi sa pagbasa. Kinapapalooban
ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong
impormasyon gaya ng;
1. Petsa
2. Setting
3. Lugar
4. Mga tauhan

Hal. Sa pagbasa ng maikling kwento,natutukoy ng


mambabasa kung sino ang mga tauhan,katangian nila,
setting at ang pangyayari ng kwento.
Mapagsiyasat na Antas (Inspectional)
- Sa antas na ito, nauunawan na ng mambabasa
ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng impresyon dito.
Sa pamamagitan nito,nakapagbibigay ng mabilisan ngunit
makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto upang matukoy
kung kakailanganin at kung maaari itong basahin nang mas
malalim.
- Maaring gamitin ang skimming sa antas na ito.
Tinitingnan ng mambabasa ang;
1. Titulo
2. Heading
3. Subheading
Analitikal na Antas (Analytical)
- Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-
iisip upang malalimang maunawaan ang
kahulugan ng teksto at ang layunin o
pananaw ng manunulat. Bahagi ng antas na
ito ang;
1. Pagtatasa sa katumpakan
2. Kaangkupan
3. Kung katotohanan o opinyon ang
nilalaman ng
teksto
Upang makamit ang analitikal na antas na
pagbasa kailangang isagawa ng mambabasa ang
sumusunod:
1. Tukuyin kung saang larangan nakapaloob ang
teksto.
2. Ibalangkas ang teksto batay sa kabuuang
estruktura o kung paano ito inayos ng may-akda.
3. Tukuyin ang suliranin na tinatangkang bigyang-
linaw
ng may akda.
4. Unawain ang mahahalagang terminong ginamit ng
may-akda tungo sa pag-unawa ng kabuuang teksto.
5. Sapulin ang mahahalagang
proposisyon ng may akda.
6. Alamin ang argumento ng may
akda
7. Tukuyin sa bandang huli kung
nasolusyonan o nasagot ba ng may-
akda ang suliranin ng teksto.
8. Tukuyin kung saang bahagi ng
teksto nagkulang, nagkamali, o naging
ilohikal ang pagpapaliwanag ng may-
akda.
Sintopikal na Antas (Syntopical)

Ang salitang syntopical ay binuo ni Mortimer Adler mula


sa salitang syntopicon na inimbento at ginamit niya sa
aklat na A syntopicon: An Index to the Great Ideas
Mortimer Adler (1952) na nangangahulugang “koleksiyon ng mga
paksa.”

-Tumutukoy sa uri ng pagsusuri na


kinapapalooban ng paghahambing sa iba’t
ibang teksto at akda na kadalasang
magkakaugnay.
Ano ang kaibahan ng
sintopikal at analitikal na
antas ng pagbasa?
Sintopikal na Antas ng Analitikal na Antas ng
Pagbasa Pagbasa

Nakabubuo ng sariling Mula sa analitikal na


perspektiba o pananaw sa pagbasa ng limang aklat ay
isang tiyak na larangan mula maari ka nang
sa paghahambing ng mga maging eksperto sa
akdang inunawa. isang tiyak na paksa batay
sa kung ano ang sinasabi ng
manunulat.
Limang Hakbang tungo sa
Sintopikal na Pagbasa

Pagsisiyasat Asimilasyon

MgaTanong Mga Isyu

Kumbersasyon
Pagsisiyasat
• Kailangang tukuyin agad ang lahat
ng mahahalagang akda hinggil sa
isang paksang nais mong pag-
aralan.
• Kailangan tukuyin kung ano ang
mahahalagang bahagi na may
kinalaman sa pokus ng iyong pag-
aaral
Asimilasyon
• Tinutukoy ang uri ng wika at
mahahalagang terminong ginamit
na may-akda upang ipaliwanag ang
kaniyang kaisipan.
• Nagdedesisyon ka kung susuhay
sa mga naunang terminolohiya ng
may- akda o gagawa ng sariling
kategorisasyon.
Mga Tanong
• Tinutukoy ang ang mga
katanungang nais mong sagutin
na hindi pa nasasagot o
malabong naipaliwanag ng may-
akda.
Mga isyu
• Lumilitaw ang isyu kung kapaki-pakinabang at
makabuluhan ang nabuo mong tanong
tungkol sa isang paksaat may magkakkaibang
pananaw ang mga binasang akda tungkol sa
partikular na suliranin.
• Kung malalim na naunawaan ang
pagpapaliwanag ng mga binsang akda,
natatalakay mo nang maayos ang bawat
panig at nakapagbibigay ng sariling
konklusyon.
Kumbersasyon
• Ang pagtukoy sa katotohonan batay sa sintopikal
na pagbasa ay hindi ang pangunahing punto at
layunin sapagkat laging kuwetiyoonable ang
katotohanan.
• Ang halaga ng pagkatuto ay nagmumula sa
mayamang diskurso at diskusyon sa pagitan ng
mga eksperto,kabilang na ang sarili.
• Nakakapag ambag ng bagong kaalaman na hindi
inuulit ang sinasabi ng mga naunang eksperto.
MARAMING
SALAMAT
SA
PAKIKINIG

Você também pode gostar