Você está na página 1de 13

Mga Layunin:

a. Naibibigay kahulugan ng agenda at


katitikan.
b. Nakagagawa ng isang agenda para sa
isang pagpupulong.
c. Nakasasadula ng isang pagpupulong
gamit ang naisulat na agenda.
d. Nakasusulat ng isang katitikan batay sa
pagpupulong na isasagawa.
e. Nakapapaliwanag sa kahalagahan ng
pagiging organisado.
AGENDA
- talaan ng mga paksang
tatalakayin (ayon sa
pagkakasunod-sunod) sa
isang pormal na pagpupulong;

- mahalagang bahagi ng
pagpaplano at pagpapatakbo
ng pulong.
- nakasaad din dito ang mga
aksiyon o rekomendasyong
inaasahang pag-usapan sa
pulong;

- ibinibigay sa mga kalahok


ilang araw bago ang
pagpupulong.
LAYUNIN NG AGENDA:
Bigyan ng ideya ang mga
kalahok sa mga paksang
tatalakayin at sa mga
usaping
nangangailangan ng
atensiyon
Tandaan:
 Karaniwan na ang nagpapatawag
ng pulong ang responsable sa
pagsulat ng agenda.

 Kalihim ang siyang responsable sa


pamamahagi nito sa lahat ng mga
kalahok.
Kahalagahan ng Paghahanda ng
Agenda
1. Masisigurong tatakbo nang maayos
ang pagpupulong.
2. Mas mabilis natatapos ang
pagpupulong kung alam ng lahat ang
lugar na pagdarausan, ang oras ng
pagsisimula at pagtatapos, ang mga
kailangang talakayin, at ang maaaring
kalabasan ng pulong.
Epekto ng Hindi Paghahanda ng
Agenda
- tumatagal ang pagpupulong at
nasasayang lamang ang
panahon ng mga kalahok

- kumukunti ang bilang ng


dumadalo sa pagpupulong
Nilalaman ng Agenda:

1. Saan at kailan idaraos ang


pagpupulong? Anong oras ito
magsisimula at matatapos?

2. Ano-ano ang mga layuning


inaasahang matamo sa pulong?
3. Ano-ano ang mga paksa o
usapin ang tatalakayin?

4. Sino-sino ang mga lalahok


sa pagpupulong?
Pangkatang Gawain:
Gumawa ng isang
agendang tatalakayin sa
pagpupulong at isadula
ang ginawang agenda.

Você também pode gostar