kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, kasintahan, sa kapwa at bayan. HAWAK KAMAY… KABANATA 7 Pag-uulayaw sa Isang Asotea Pangkatang gawain
Bibigyan ng kapirasong larawan ang
bawat pangkat. Ibigay kung anong uri ng pagmamahal ang ipinapakita rito sa pamamagitan ng pagsasadula. PAMANTAYAN Naayon sa Tema - 5 Pagganap - 5 Boses - 5 Kabuuan - 15 Analisis 1. Bakit lumalakas ang kaba ng dalaga? 2. Bakit kailangang magbakasyon si Maria Clara sa lalawigan? 3. Bakit nagmamadaling umalis si Ibarra? APLIKASYON Anong kapangyarihan ng pag-ibig ang masasalamin sa kabanatang binasa at nasasalamin din sa kasalukuyang sitwasyon? ABSTRAKSYON Paano ninyo mapapatunayang tunay na nagmamahalan sina Ibarra at Maria Clara? Alamin ang sumusunod na pahayag kung anong uri ng pananaw tungkol sa makapangyarihang pag-ibig ang isinasaad. Isulat ang titik sa pagpipilian. a. Pag-ibig sa magulang c. Pag-ibig sa kapwa b. Pag-ibig sa kasintahan d. Pag-ibig sa bayan ____1. Ang paggunita ng dalawang nag-iibigan tungkol sa kanilang pinagsamahan. ____2. Nagpapasindi ng kansila para sa mga manlalakbay. ____3. Pagpapaalam at pagmamano bago umalis sa tahanan. ____4. Pagbibigay galang sa watawat. ____5. Naghahanda sa sarili bago makipagkita sa minamahal. *TAKDANG-ARALIN*