Você está na página 1de 13

ANA A.

MAQUIÑANA
Tagapag-Ulat
Sino nga ba si Genoveva Edroza- Matute?
Si Genoveva Edroza- Matute
ay isang bantog na
kuwentistang Pilipino. Isa rin
siyang guro at may akda ng
aklat sa Balarilang Tagalog,
na nagturo ng mga
asignaturang Filipino at mga
asignaturang pang-
edukasyon.
TATLONG PILI AT MAIKLING KUWENTO
NI GENEVEVA EDROZA- MATUTE

1. Kuwento ni Mabuti
2. Ang Papel
3. Isang Saglit, Munting Ibon
1. KUWENTO NI MABUTI
• Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang pangkaraniwang guro
na walang nag-uukol ng pansin, mula sa pananamit
hanggang sa paraan ng ng pagdadala ng panunugutan sa
paaralan.Siya’y tinatawag nilang “mabuti” pag itoy
nakatalikod sapagkat sa bawat pagbigkas niya ng mga salita
nasasambit nya ang katagang mabuti.
“Mabuti”, ang sasabihin niya,”…ngayo’y magsimula tayo sa
araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa bahaging ito…
Mabuti… Mabuti!”.
2. ANG PAPEL
Ang kuwentong ito ay tungkol pagbabalik-tanaw ng tagapagsalaysay sa tuwing
nakakakita siya ng mga batang nag papalutang ng bangkang papel. Isang batang
lalake ang nagising sa malakas na dagundong at nakasisilaw na liwanag
subalit napagtanto niyang walang pumapatak sa kanilang bubungan. Hinanap
niya ang kanyang ama sa kanyang ina ngunit pinatulog lamang siya nito
sapagkat magpapalutang pa siya ng bangkang papel bukas.
Subalit hindi niya napalutamg ang mga bangkang papel dahil paggising niya
kinabukasan ay nakita niya ang kanyang inang nakalugmok sa sahig habang
hinahaplos ang buhok ng kanyang kapatid na si Miling. Napakaraming tao sa
paligid at wala ni isa man sa kanila ang nagpaliwanag sa kanya sa nangyayari.
Ayon sa malakas na tinig, pinalilikas na ang mga residente sa ligtas na pook
kasama ang kapita. Napag-alaman ng batang lalake na ang kanyang ama ay
kasama sa labinlimang patay sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.
Tinanong niya ang kanyang ina kung bakit pinatay ng sundalo ang kanyang ama
ngunit hindi rin alam ng kaniyang ina ang sagot sa kanyang tanong dahil sa
parehas nilang hinahanap ang kasagutan.
3. BABAE, LANSANGAN, AT TAKIPSILIM
Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang babaeng buntis na hindi niya
ginusto. Siya ay nagugulluhan kung ano ang gagawin dahil naisip niya
ang kanyang mga binuong pangarap, trabaho, at ang mga
pangungutyang maaring matanggap niya kapag malaman ng iba ang
kanyang sikreto. Nagdesisyon siya na ipalaglag ang bata. Siya ay nasa
Quiapo, naglalakad patungo sa klinikang naglalaglag ng bata sa
sinapupunan.habang naghihintay sa l;oob ng klinika, nagbago ang isip
ng babae nang matitigan ang kapagalan ng mukha ng isang babaeng
kakatapos lang magpalaglag ng anak. Nang siya na ang susunod sa pila,
nagging bahagi na siya ng lansangan at takipsilim.
IBA PANG
KUWENTO SA
KASALUKUYANG
PANAHON
4 MAIKLING KWENTO SA
KASALUKUYANG PANAHON

1.Ang Bakunawa
2.Maria Makiling
3.Si Florante at Laura
4.Si Malakas at si Maganda
PANAHON NG BAGONG LIPUNAN/
KASALUKUYANG PANAHON

‘’Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.”

ito ang isang slogang madalas mababasa sa mga


babasahin, marinig sa radio’t telebisyon at bukambibig
ng mga mag-aaral sa panahong ito.
Pagsilang ng Bagong Lipunan
Setyembre 21, 1972- panahon ng Amerikano
Wikang Filipino- nagging midyum ng iba’t ibang pagpupulong
• Ang maikling kuwento- binabaybay ding maikling kwento- ay isang
maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
• Tulad ng isang nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung
ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
MGA ELEMENTO NG MAIKLING
KWENTO
1. PANIMULA- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito
rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.

2. SAGLIT NA KASIGLAHAN- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo


ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

3. SULIRANIN- problemang haharapin ng tauhan.

4. SOLUSYON- pagkakalutas ng suliranin ng tauhan.

5. WAKAS- pagtatapos ng kwento.


Maraming Salamat po!
1. Paksa: *Panahon sa ikaapat na republika hanggang sa kasalukuyan ng
tatlong pili at maikling kuwento ni Geneveva Edroza Matute
*Iba pang kwento sa kasalukuyang panahon
• Propesor: Dr. Melanie L. Golosinda
• Kurso: Pananaliksik – Wika (Mfil 215)
• Semestre: Tag-init (2019-2020)
• Inihanda ni: Ana A. Maquińana
• Sanggunian: https://tl.m.wikipedia.org
https://www.academia.edu
https://mp20122013.fandom.com
https://prezi.com