Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
Begun and held in Metro Manila, on Monday, the twenty-third day of July, two thousand twelve.
• https://elegal.ph/republic-act-no-10627-the-anti-bullying-act/#
Anti- Bullying Act of 2013 at ang Saklaw nito:
Ayun sa Batas
Septyembre 12, 2013 nuong naaprubahan atnaging “trending” kaagad ang Anti- Bullying Law. Umani agad ito ng
maraming reaksyon , kuro- kuro, at samot saring opinyon. Subalit, upang mas malinaw sa lahat at ito ay mas lalong
maintindihan nararapat lamang ang masusing pag aaral at pag intindi nito ayun sa itinakda ng Batas. Nuong Desyembre
13, 2013, nilagdaan ni Br. Armin A. Luistro, Kalihim ng Departamento ng Edukasyon, ang “Implementing Rules and
Regulations (IRR)” ng R.A. 10627, o Ang Anti- Bullying Act of 2013. Nararapat lamang na masuri ang Batas na ito
ayun sa IRR para ito ay mas lalong maintindihan ng karamihan. Una, ayun sa IRR, ang saklaw ng Batas na ito ay lahat ng
pampubliko at pribadong kindergarten, elementarya, sekondarya at ang mga tinaguriang “Learning Centers.” (Section 2,
IRR). Isa sa pinaka kritikal na parte ng Batas ay kung ano ang ibig sabihin o paano masabi na a ng isang gawa ay
“Bullying”. Ayun sa Batas at ng IRR nito, ang saklaw ng Bullying ay, ang sobra o paulit–ulit na pag gamit ng isa o higit
pang mga estudyante ng nakasulat, panalita, o “electronic” na pagpapahayag, o ang pisikal na gawa o pag-galaw, o kahit
na ano mang kumbinasyon nito, sa isang estudyante na maka apekto o maglagay sa kanya sa resonabling pagkatakot,
pisikal o emosyonal,o pagkasira sa kanyang ari- arian; pagresulta sa mapang hamong kapaligiran sa estudyante;
paglababag sa karapatan ng isa sa paaralan; o pag sagabal sa proseso ng edukasyon or sa pag papatakbo nito; katulad ng
mga sumusunod:
1.)Hindi kanais nais na pisikal na tagpo sa “Bully at sa biktima tulad ng,panununtok, panunulak, paninipa, pananampal,
pangingiliti, pangu- ngutos, pagsasagawa ng nakakatawang sitwasyon sa paaralan, pagbibiro,pangangaway,at pag gamit ng
mga bagay bilang sandata.