Você está na página 1de 22

Ang Kabihasnang umusbong sa Tsina ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnan na nanatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan.

Ito ay maiuugat halos apat na milenyo na ang nakakalipas. Mula pa man noong unang panahon , angpagkakaroon ng isang mahusay na pamamahala ang naging mithiin ng mga tsino. Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianismat Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino.

Sa aspetong pulitikal, ang China ay halinhinang nakaranas ng agkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang pagpasok ng mga impluwensyang dayuhan sa China ay nalagom at napailalim lamang sa pagkakakilanlan ng mga tsino. Ang mga kaganapang ito ang humubog sa kultura at tao ng bansa sa makabagong panahon.

Tinagurian ang China bilang isang DAKILANG BANSA dahil sa kanyang kabihasnan at nakasulat na kasaysayan sa loob ng 4,000 taon Tinagurian ang China bilang NATUTULOG NA HIGANTE dahil sa matagal na panahong hindi nito pagiging aktibo sa mga pandaigdigang pangyayari, hindi nito pakikisalamuha sa ibang kultura at ang pagsasara ng lupain nito sa mga dayuhan

XENOPHOBIA - pagkatakot sa mga dayuhan - Ang mga Tsino ay nagkaroon ng akot sa mga dayuhan kaya isinara nila ang mga pintuan sa mga dyuhan o kayay dahil sa kanilang pagiging ETHNOCENTRIC o pagtuon sa kanyang sarili.

Ang China ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Asya at kanlurang baybayin ng Pacific Ocean. Ang kabuuang sukat ng bansa ay 9 584 492 kilometro kwadrado ay nababajagi sa mga sakahan,kagubatan,graslands at disyerto. Tinagurian itong bansang ito ng mga ilog at kabundukan o LAND OF FISH AND RICE na siyang dahilan sa pagkakaiba-iba ng mga tsino. Ang mga sakahan ng China ay matatagpuan sa gitang silangan, hilagang kanluran at timog kanlurang bahagi ng mga lupain.

Tulad ng ibang sibilisasyon sa Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog, malapit sa Yellow River o Huang ho. Ang ilog ng HUANG HO ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3,000 milya. Ito ay dumadaloy sa Yellow Sea. Tinagurian ang Huang Ho River na Pghati ng Tsina Ang pag-apaw ng Ilog Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa. Sa kasamaang palad, madalas ang pagbaha sa North China Plain.

Dahil sa laki ng lupain ng China, iba-iba ang klima nito na naging dahila ng pagkakaiba-iba nguri ngparaan ng pamumuhay ng mga tao.

Você também pode gostar