Você está na página 1de 11

PANIMULA

Sa araw na ito ang ikalawang kandilang kulay lila ang


sisindihan.

Namumuno Tayo ngayon ay pumapaloob na sa ikalawang


linggo ng Adbiyento. Ang panahon na kung
saan patuloy tayong naghihintay sa pagsapit
ng pagdating ng Makapangyarihang Diyos. Sa
paghihintay na ito, patuloy din naman tayong
pinaaalalahanan na muli tayong manumbalik
sa Kanya sa pamamagitan ng ating
pagbabago. Patuloy tayong hinihimok ng
Mabuting Balita na huwag maging pakitang-
tao lamang ang ating pagsisisi kundi ito’y
magkaroon ng tunay na kaganapan sa ating
buhay. Kung kaya’t ang sinasabi ni Juan
Bautista ay isang panuntunan na simulan na
1
natin ngayon ang nararapat na simulan at
hindi ang mga salitang “sandali lang” o
“bukas na” ang ating mabigkas kundi
mamutawi ang salitang “ngayon na!”

Tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa.

ANG PAGSISINDI NG
IKALAWANG KANDILA NG ADBIYENTO

Dadako ang Pari at ang pamilyang patnugot sa Korona ng


Adbiyento upang sindihan ang ikalawang kandila ng
Adbiyento.

Pari Mga kapatid nagpapatuloy ang ating


pakikipag-ugnayan sa Diyos na
makapangyarihan sa lahat at ang
pagpapatotoo ni San Juan Bautista ukol sa
pagdating ng Panginoong Hesus sa
sanlibutan.

Tayo ay isinama rin ni Juan sa kanyang


paglalakbay na ipahayag ang Mabuting Balita
ukol sa kanyang unang pagparito. Kung
kaya’t makiisa tayo sa kanya, salubungin
natin ang Mesiyas at itakwil natin ang
kasalanang nagdudulot sa atin ng
pagkawalay sa Kanya.

Maglaan ng sandaling katahimikan.

2
Pari Manalangin tayo.
Ama namin, Ikaw ang siyang tanglaw namin,
Ikaw ang nagturo sa amin na maging
mabuting tagasunod. Tulad ni San Juan
Bautista, itinampok Ka niya sa lahat ng tao.
Itinuro niya sa amin na Ikaw ay aming
paghandaan sa Iyong pagparito. Kami ngayon
ay nananalangin, kasama ang sambayanan ng
aming komunidad na naririto ngayon at ang
pamilyang magsisindi ng ikalawang kandila
ng Adbiyento na pamarisan ang lahat ng
Iyong ginawang kabutihan sa sanlibutan.

Aming Ama, makilala nawa namin ang


kabutihang ginawa ng iyong Bugtong na Anak
kagaya ng itinuturo ni San Juan Bautista.
Nawa’y gawin Mo kaming mga tunay na
tagapaglingkod sa Iyo at sa aming kapwa at
matutunan naming mabuti ang mahalin at
sumamba sa Iyong ngalan, ngayon at
magpasawalang hanggan. Amen.

PANALANGIN PARA SA
IKALAWANG LINGGO NG ADBIYENTO

Babasahin ng pamilya ang sumusunod na panalangin.

O Diyos, aming Ama, pinupuno Mo ang aming mga buhay


ng mabubuting bagay. Ikaw ang nagkaloob sa amin ng
buhay sa mundong Iyong ginawa. Tulungan Mo kaming
pahalagahan ang bawat biyaya na mula sa Iyo. Matutuhan
nawa namin parati na manambahan sa Iyong dambana

3
upang magpuri at magpasalamat. Makasunod nawa kami
sa mga tagubiling pinasimulan ni San Juan Bautista.

Sa pagsisindi namin nitong ikalawang kandila, ang mga


may karamdaman nawa ay tulungan na makabangon
lalung-lalo na ang mga nasa ospital, mga matatanda na
hindi na nakakapunta sa iyong tahanan, ang mga kapatid
na abala sa kanilang trabaho, ang mga may COVID-19, HIV
at iba pang karamdaman. Matagpuan nawa namin ang
kagalakan sa mga simpleng bagay na aming nakikita o
nararamdaman. Tulutan Mo rin kaming maging higit na
maligaya habang ang kaarawan ni Hesus ay nalalapit na.
Amen.

Sisindihan ng ikalawang kandila ng Adbiyento.


Magpapatuloy sa pagdiriwang ng Banal na Misa.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari Makapangyarihang Diyos ng sangnilikha, sa
gitna ng aming pag-asa sa muling pagbabalik
ng Iyong Anak ay ganap nawa naming
maihanda ang aming buhay ayon sa
ipinangangaral ni Juan Bautista upang
maging marapat kaming sumalubong sa
muling pagbabalik ng Niya, si Hesukristo na
aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen.

Uupo ang lahat upang pakinggan ang mga pagbasa.

4
UNANG PAGBASA | Isaias 11:1-10 |

Ipinahayag ni propeta Isaias ang hula sa pagdating ng


isang haring magbabago ng kalagayan ng tao. Si Hesus ang
Siyang tinutukoy na mula sa lipi ni Haring David na
pagkakalooban ng buong kapangyarihang mamahala sa
sambahayan ng Kanyang Ama.

Tagabasa Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias.

Sa araw na iyon: Sa lahi ni David ay lilitaw ang isang hari,


tulad ng supling mula sa isang tuod. Mananahan sa kanya
ang espiritu ni Yahweh, bibigyan siya ng katalinuhan at
pagkaunawa, ng kaalaman at kapangyarihan, ng
karunungan at takot sa Panginoon. Kagalakan niya ang
tumalima kay Yahweh. Hindi siya hahatol ayon sa nakikita
o batay sa narinig sa iba. Bibigyan niya ng katarungan ang
mga dukha, ipagtatanggol ang karapatan ng mga kawawa.
Ang salita niya’y parang tungkod na ipapalo sa malulupit,
ang hatol niya’y kamatayan sa masasama. Katarungan at
katapatan ang paiiralin niya sa kanyang pamamahala.
Maninirahan ang asong-gubat sa piling ng kordero,
matutulog ang leopardo sa tabi ng batang kambing,
magsasama ang guya at ang batang leon, at ang mag-
aalaga sa kanila’y batang paslit. Ang baka at ang oso’y
magkasamang manginginain, ang mga anak nila’y
magkakatabing matutulog, kakain ng damo ang leon na
animo’y toro. Maglalaro ang batang pasusuhin sa tabi ng
lungga ng ahas, hindi maaano ang bata kahit laruin ang
ulupong. Walang mananakit o mamiminsala sa
nasasaklaw ng banal na bundok; sapagkat kung paanong
puno ng tubig ang karagatan, laganap sa buong lupain ang
pagkakilala kay Yahweh. Sa araw na iyon, isisilang ang
5
hari mula sa lahi ni David, ang magiging palatandaan para
sa mga bansa. Ang mga baya’y tutungo sa banal na
lungsod upang parangalan siya.

Tagabasa Ang Salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

SALMO RESPONSORIO | Awit 72 |

SA TAGLAY MONG KATARUNGAN,


O DIYOS, KAMI’Y BAHAGINAN!

Namumuno Turuan mo yaong haring humatol ng


katuwiran, sa taglay mong katarungan, O
Diyos, siya’y bahaginan; upang siya’y maging
tapat mamahala sa ‘yong bayan, at pati sa
mahihirap maging tapat siyang tunay.
TUGON.

Namumuno Ang lupain nawa niya’y umunlad at


managana; maghari ang katarungan sa lupain
nitong bansa. Maging tapat itong hari sa
paghatol sa mahirap at ang mga taong wala’y
pag-ukulan ng paglingap; yaon namang nang-
aapi ay malupig at bumagsak. Nawa sila ay
maglingkod, silang lahat mong hinirang,
hangga’t mayro’ng namamalas na sikat ng
buwa’t araw. TUGON.

Namumuno Hari nila ay matulad sa ulan ng kaparangan;


bumubuhos kung dumating sa lupain yaong
ulan. Yaong buhay na mat’wid sa kanyang
kapanahunan, madama ng bansa niya at
6
umunlad habang buhay. Yaong kanyang
kaharian ay palawak nang palawak, mula sa
Ilog Eufrates, sa daigdig ay kakalat. HULING
TUGON.

IKALAWANG PAGBASA | Roma 15:4-13 |

Dahil si Hesus ang unang nagpakita ng pagpaparangal sa


Kanyang Ama, ito’y muling ipinapaalaala sa atin ni San
Pablo, na tayong lahat ay matutong pamarisan ang
Kanyang ginawang paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang
minamahal na kawan.

Tagabasa Pagbasa mula sa sulat ni San Pablo sa mga


taga-Roma.

Mga kapatid: Anumang nasa Kasulatan noon pang una ay


nasulat sa ikatututo natin, sapagkat lumalakas ang ating
loob at nagkakaroon ng pag-asa kapag binabasa natin ang
mga aral na matatagpuan dito. Loobin nawa ng Diyos na
nagpapatatag at nagpapalakas ng loob, na mamuhay
kayong may pagkakaisa kay Kristo Hesus. Sa gayon, sama-
sama kayong magpuri sa Diyos at Ama ng ating
Panginoong Hesukristo. Kung paanong kayo’y malugod na
tinanggap ni Kristo, gayon din ang gawin ninyo sa isa’t isa
upang maparangalan ninyo ang Diyos. Sinasabi ko sa inyo:
si Kristo’y naging lingkod ng mga Judio upang ipakilala na
tapat ang Diyos at tinutupad ang mga pangako niya sa
mga patriyarka, at ang mga Hentil nama’y magpuri sa
Diyos dahil sa kanyang habag. Ayon sa sinasabi ng
Kasulatan, “Kaya’t papupurihan kita sa harapan ng mga
Hentil, at aawitan ko ang iyong pangalan.” Sinabi pa,
“Magalak kayo, mga Hentil, kasama ng kanyang bayan!” At
7
sinabi pa rin, “Kayong mga Hentil, purihin ninyo ang
Panginoon, ang lahat ng bansa ay magpuri sa kanya!”
Idinagdag pa ni Isaias, “Darating ang supling ni Jesse, ang
titindig upang mamahala sa mga Hentil. Siya ang kanilang
aasahan.” Ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang
magkaloob nawa sa inyo ng kagalakan at kapayapaan sa
pananalig upang sumagana kayo sa pag-asa sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Tagabasa Ang Salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

Tatayo ang lahat upang magbigay-galang sa Banal na


Ebanghelyo.

EBANGHELYO | Mateo 3:1-12 |

Aleluya! Aleluya! Tayo ay pagkakalooban ng Diyos ng


kapayapaan! Aleluya! Aleluya!

Pari Ang Panginoon ay sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.

Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay


San Mateo.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

Noong panahaong iyon, si Juan Bautista’y dumating sa


ilang ng Judea at nagsimulang mangaral. Sinabi niya,
“Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan,
sapagkat malapit nang maghari ang Diyos!” Si Juan ang
tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin nito, “Ito ang sabi
ng isang sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan
8
ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!’”
Hinabing balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan, at balat
ang kanyang pamigkis. Ang kanya namang pagkai’y balang
at pulot-pukyutan. At pumunta sa kanya ang mga taga-
Jerusalem, taga-Judea, at mga naninirahan sa magkabilang
panig ng Jordan. Ipinahayag nila ang kanilang mga
kasalanan, at sila’y binautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan.
Ngunit nang makita niyang marami sa mga Pariseo at mga
Saduseo ang lumalapit upang pabautismo, sinabi niya sa
kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala
sa inyo upang tumakas sa parusang darating? Ipakilala
ninyo sa pamamagitan ng inyong pamumuhay na kayo’y
nagsisisi. At huwag ninyong ipangahas na kayo’y anak ni
Abraham. Sinasabi ko sa inyo: Ang Diyos ay makalilikha
ng mga tunay na anak ni Abraham mula sa mga batong ito.
Ngayon pa’y nakaamba na ang palakol sa ugat ng
punongkahoy; ang bawat punongkahoy na hindi mabuti
ang bunga ay puputulin at ihahagis sa apoy.
Binabautismuhan ko kayo sa tubig bilang tanda ng
pagsisisi ninyo’t pagtalikod sa inyong mga kasalanan;
ngunit ang dumarating na kasunod ko ang
magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Siya’y
makapangyarihan kaysa akin, hindi ako karapat-dapat
kahit tagadala ng kanyang panyapak. Hawak niya ang
kanyang kalaykay upang alisin ang dayami. Titipunin niya
sa kamalig ang trigo, ngunit ang ipa’y susunugin sa apoy
na di mamamatay kailanman.”

Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

Uupo ang lahat upang pakinggan ang Homilya.

9
Matapos ang Homilya, magpatuloy sa Liturhiya ng
Eukaristiya.

PANALANGIN NG BAYAN
Pari Sa hamon ni San Juan Bautistang patunayan
natin ang hangad nating higit na
magpakabuti, kailangan natin ang tulong ng
Panginoon sa ganitong mahalagang
pagsisikap. Buong kababaang-loob at
katapatan tayong manalangin: Panginoon,
pakinggan Mo kami!

Lektor Nawa ang buong Simbahan ay magpatuloy sa


diwa ng pagbabagong loob at katapatang
makabawi sa mga nagawang kasalanan ng
kanyang mga kasapi. Manalangin tayo!
Panginoon, pakinggan Mo kami!

Lektor Nawa lahat ng pinuno ng Simbahan ay


magtamo ng kagitingan at kababaang loob ni
Juan Bautista sa pangangaral sa kanilang mga
kawan at gabayan tayo ng kanilang ulirang
pamumuhay. Manalangin tayo! Panginoon,
pakinggan Mo kami!

Lektor Nawa lahat ng may kapansanang pisikal ay


palakasin ng kanilang pananalig sa pag-ibig
ng Diyos at maging inspirasyon sila sa iba
kung paano magpasalamat sa Diyos sa lahat
ng biyayang natatanggap mula sa Kanya.
Manalangin tayo! Panginoon, pakinggan Mo
kami!

10
Lektor Nawa ang mga may HIV-AIDS ay patuloy na
umasa kay Hesus sa kabila ng kanilang
karamdaman, at sila nawa ay bigyan ng
pangangalagang tulad ng kay Kristo, ng mga
taong nagmamalasakit sa kanila. Manalangin
tayo! Panginoon, pakinggan Mo kami!

Lektor Nawa ang bawat isa sa atin, ang ating mga


mag-anak, at mga pangkat na kinabibilangan
ay makaiwas sa anumang makahahadlang sa
ating pagtanggap kay Hesus. Manalangin
tayo! Panginoon, pakinggan Mo kami!

Lektor Nang may kapakumbabaan ay idalangin natin


sa Ama ang iba pa nating mga kahilingan.

Maglaan ng sandaling katahimikan.

Pari Manalangin tayo.

Diyos Ama, bukal ng lahat ng buti at biyaya,


dalisayin Mo ang aming mga layunin at
tibayan ang aming mga kalooban upang ang
lahat ng aming gawin sa Adbiyentong ito ay
maging para sa higit Mong kaluwalhatian at
ikabubuti ng aming mga pamayanan.
Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon. Amen.

11

Você também pode gostar