Você está na página 1de 2

DESSERRE MAE A.

NIMER
CLUSTER 3 – PAGBASA COORDINATOR
DAVAO CITY DIVISION
FOR GRADE 8

Ang Munting Mga Langgam


Ni: Desserre Mae A. Nimer
Minsan ka na bang nakaranas ng takot? Matakot sa taong nakaharap mo dahil sa malaki
sila at ika’y maliit? Siga sila at ika’y lampa? Pwes! Makinig ka, dahil para sayo ang kuwentong
ito.
Sa isang napakalawak na lupain at sa napakatirik na araw ay may isang Leon na palakad-
lakad. Nais nitong maghanap ng lugar na mapagpapahingaan. Sa di’ kalayuan ay natanaw niya
ang isang puno. Dali-dali niya itong pinuntahaan at humiga agad sa ilalim nito. Ngunit bigla
siyang napasigaw! May naramdaman siyang kumagat sa kaniya. Mabilis niyang hinanap kung
ano ito. Isang langgam ang nakita niyang papaakyat na sa puno.
“ Hoy! Ikaw langgam! Ikaw ba ang kumagat sa akin!” Galit na sabi ng Leon.
“Naku, pasensya kana Ginoong Leon, hindi ko po sinasadyang makagat ka.” Sagot naman ng
Langgam.
“Abay! Nagdadahilan ka pa! Makakatikim ka saken ngayon!”
Takot na takot na tumakbo palayo ang langgam sa leon ngunit nahuli siya nito. Malakas
na iyak at pagmamaka-awa lang ang nagawa ni Langgam sapagkat alam niyang wala siyang
kalaban-laban.
“Maawa ka na Leon, pakawalan mo ako. Hindi ko po talaga sinasadya.” Sambit ni Langgam
habang umiiyak.
“Nagmamaang-maangan ka pa ha! O sige papakawalan kita, bibigyan kita ng pagkakataong
talunin ako.” Sagot naman ni Leon.
“Eh! Papaano ako lalaban sa iyo eh ang laki-laki mo?” Mabilis na sagot ni Langgam.
“Mas lalo naman akong hindi papayag na pakawalan ka ng wala lang pagkatapos mo akong
kagatin!” sagot ni Leon.
“O sige na nga, pero dahil malaki ka hayaan mo akong tawagin ang mga kasama ko.” (Langgam)
“Hala sige, umalis ka at tawagin mo lahat ng kalahi mo. Alam ko namang hindi niyo ako kaya
eh. Hahaha!” Mayabang na sagot ni leon.
Hindi na umimik pa ang langgam at mabilis na kumaripas ng takbo papalayo.
Isang araw na ang nakalipas mula ng umalis si Langgam. Sa galit ni Leon hinanap niya
ito ng hinanap. Hanggang sa …..
“Hoy langgam! Akala mo ba’y nakalimutan ko na ang ginawa mo?!” Galit na sabi ni Leon
habang hawak-hawak ang munting langgam.
Nagpupumilit na mang makatakas si langgam ngunit di’ nito magawa. Mabuti nalang at
nakita siya nang mga kasamahan niyang langgam. Nagmabilis ang isang grupo ng langgam na
pumunta sa kinaroroonan ng kasamahan nila. Pinagtulungan ng mga langgam na patumbahin ang
Leon. Ang buong katawan ng Leon ay pinalibutan ng mga langgam at sabay-sabay na kinagat
ang Leon. Gumulong –gulong sa sakit si Leon at nagmamakaawang tigilan na siya’t lubayan.
“Tama na! Lubayan niyo na ako!” Sigaw ng Leon na may halong pagmamakaawa.
Kumaripas naman nang Takbo ang Leon noong siya’y pinakawalan ng mga munting
langgam. Simula noon, kailan ma’y hindi na muling nagpakita ang Leon.

“Maliit man tayo o malaki, kapag ang pagkakaisa ang naghari, siguradong tayo’y
magwawagi!”

Tanong:
1. Bakit galit na galit si Leon kay Langgam?

2. Paano ipinakita ng mga langgam ang kanilang pagkakaisa?

3. Sino kina Langgam at Leon ang tunay na nagpakita ng katapangan? Bakit?

4. Bakit pinamagatang “Ang Munting mga Langgam” ang kuwento?

5. Anong aral ang makukuha mula sa kuwento?

Você também pode gostar