Você está na página 1de 2

Tala

By: John Cedrick C. Eugenio

Isang tala na kay ganda


Sa kalangitan, isang tala na nababalot ng hiwaga
Isang tala na sobrang hirap akyatin

Ngunit kapag ito’y ay iyong nakita ay


Ako'y namamangha sa kanyang kagandahan
Sa kanyang kinang palang ay ikay mapapasambit
Na ang talang iyon ay ubod ng ganda

Isang babae na ubod ng ganda na parang


Isang bituin na nagniningning sa kanyang
Kagandahan at sa tuwing siya ay aking nakikita
Ako’y nahuhulog sa kanyang kay gandang mata at ngiti

Sa tuwing ako’y sumusulyap ang puso ko’y


Tinutulak ako na siya ay aking kausapin ngunit ako’y
Nahihiya at hanggang tingin na lang ako
Dahil kapag ako’y umamin baka akoy kanyang iwasan

Ako’y parang isang demonyo at siya ay isang anghel


Na siya’y gagabayan ako papuntang langit at
Habang kami ay paakyat ako’y unti-unting
Nahuhulog sa kanya

Hindi man ako perpekto


Ako’y di man kagwapuhan pero at higit
Sa lahat ako’y hindi katalinuhan
Pero bat ako’y nagmamahal sa taong di ako gusto

Você também pode gostar