Você está na página 1de 13

MAIKLING KWENTO MULA SA REHIYON 1-6

REHIYON 1

Iniwan Sa Ilocos

Celio Amethyst

"Sana kayanin mo ang buhay na wala ako. Hindi ko sinasadya ngunit may mahal na akong iba. Patawad."

Ilan lamang ito sa mga salitang bumasag sa aking pusong isang Biyernes ng gabi. Nawasak ang buong
mundo ko nang marinig ko ang mga salitang ito mula sa bibig mismo ng taong pinakamamahal ko. Pitong
taon. Pitong taon ng buhay ko ay inialay ko sa kanya kasama na ang buo kong puso. Sinong babae ang
hindi iiyak ng sobra at lubos na masasaktan kapag nasabihan ng ganitong mga kataga mula sa isang
lalaki? Sa isang lalaki na inaasahan na niyang makakasama niya habambuhay? Nakaplano na ang lahat ng
para sa kinabukasan namin ngunit nasira ito dahil sa pagdating ng isang bagong babae sa buhay niya.
Pinili niyang tigilan na ang pagmamahal sa akin at ituon ang buo niyang atensyon sa babaeng iyon na
kasamahan niya sa trabaho. Lubos ang naging pagtitiwala ko sa kanya. Marami na kaming pinagdaanang
pagsubok at nalampasan naman naming lahat iyon. Ngunit ngayon nga ay naging mahina na siya at
nagpadarag sa isang panibagong pagsubok na sumubok sa aming pagsasama.

"Hindi ko kaya, Aries. Hindi ko kaya ang mawala ka sa buhay ko." Ang siyang naging tugon ko sa mga
masasakit na salitang sinabi niya. "Mahal na mahal kita." Tumatangis kong wika habang yakap siya ng
mahigpit.

Ang gabing iyon na pala ang huli kong pagkakataon na makapaloob sa kanyang mga bisig na sa tuwina ay
nagbibigay komportable sa akin. Makalipas ang isang linggo ay nagtungo kami ng aking mga kaibigan sa
Ilocos upang magbakasyon. Tatlong araw kaming mananatili roon. Lilibutin namin ang bawat
magagandang lugar na matatagpuan sa Ilocos Sur at Ilocos Norte. Tamang-tama para sa akin ang
bakasyong ito upang makalimot at mapaghilom ang sugatan kong puso. Salamat sa mga kaibigan ko na
siyang dumamay sa akin. Lima kaming magkakaibigan at lulan kami ng isang van. Alas nwebe ng gabi
nang lisanin namin ang Kalakhang Maynila. Mahigit walong oras ang aming binyahe patungong Ilocos at
ang lugar na aming unang narating ay ang Vigan. Paputok pa lamang ang araw at kakaunti pa lamang ang
mga turista nang dumating kami. Tila ba bumalik kami sa lumang panahon dahil sa mga nakahilerang
istraktura sa Calle Crisologo. Bawat tahanan o establisyamento na aming madaraanan ay nasa modelo
pa ng panahon ng mga Espanyol. Doon na rin kami nag-almusal at matapos kumain ay nagtungo na kami
sa iba pang magagandang lugar sa Ilocos Sur gaya ng Plaza Salcedo, Simbahan ng Vigan, Pagawaan ng
mga paso, Bell Tower at iba pa. Inabot kami ng tanghalian sa pamamasyal. Matapos roon ay padako na
kami sa Ilocos Norte na mahigit tatlong oras ang byahe. Ang una naming tinungo ay ang mausoleum ni
dating Pangulong Marcos. Nagtungo rin kami sa Paoay, Ilocos Norte kung nasaan ang dati niyang
tahanan o tinatawag na Malacanang of the North. Tanaw rin dito ang Paoay Lake. Ang sumunod naming
tinungo ay ang Paoay Sand Dunes. Isa itong malawak na disyerto na maraming bundok na buhangin na
nasa tabi ng dagat. Dito ay sumakay kami sa isang malaking sasakyan o tinatawag na 4x4. Kaming lima ay
nakatayong lahat sa likod na bahagi ng sasakyan habang mahigpit na nakahawak sa mga bakal nito. Tila
isang roller coaster ang aming naging byahe dahil sa mga gabundok na buhangin na mabilis naming
tinatahak. Hindi maiiwasan ang pagsigaw lalo na kung nasa mataas kaming bahagi at mabilis na
bubulusok pababa.

"Elena, isigaw mo ng lahat na nasa puso mo." Payo sa akin ni Jenna habang lulan pa rin kami ng 4x4.
"Anong isisigaw ko?" Patay-malisya kong sabi. Ang gusto ko lamang ng mga sandaling iyon ay ang
magsaya at huwag ng isipin pa si Aries. Ngunit muli ko na naman siyang naalala. Iniwan na niya ako.
Hinayaan na niya akong umalis sa buhay niya. Nang gabing nagmamakaawa ako sa kanya na huwag
akong hiwalayan at ayusin namin ang aming relasyon ay ipinagtabuyan lamang niya ako at pilit
ipinapaunawa sa akin na may iba na siyang mahal. Huwag ko na daw isiksik ang sarili ko sa kanya dahil
lalo lamang niya akong masasaktan. "Anong isisigaw ko?" Patay-malisya kong sabi. Ang gusto ko lamang
ng mga sandaling iyon ay ang magsaya at huwag ng isipin pa si Aries. Ngunit muli ko na naman siyang
naalala. Iniwan na niya ako. Hinayaan na niya akong umalis sa buhay nagmamakaawa ako sa kanya na
huwag akong hiwalayan at ayusin namin ang aming relasyon ay ipinagtabuyan lamang niya ako at pilit
ipinapaunawa sa akin na may iba na siyang mahal. Huwag ko na daw isiksik ang sarili ko sa kanya dahil
lalo lamang niya akong masasaktan. Wala na nga akong ibang nagawa nang gabing iyon kundi ang
umuwi ng luhaan kasama ang basag kong puso. "Isigaw mo na yan, Elen." Payo rin ni Cecilia na siyang
umuntag sa pagbabalik-tanaw ko.

"Oo nga. Para mabawasan yang bigat ng nararamdaman mo." segunda pa ni Leni. Bumulusok na nga ang
4x4 pababa. "Wala kang kwenta! Hindi na kita mamahalin pa, Aries! Wala ka ng babalikan kahit kailan!
Aaahhh! Maging masaya ka sana!" Sigaw ko ng ubod- lakas. "Pagod na akong mahalin ka! Tama na! Wala
kang kwentang tao! Bahala ka na sa buhay mo! Bwisit ka!" Muli kong pagsigaw at pinalakpakan ako ng
aking mga kaibigan. Naluluha man ay nagawa kong matawa at mukhang tama nga sila dahil gumaan nga
ang pakiramdam ko matapos sumigaw ng pagkalakas-lakas. Ang sumunod naming destinasyon ay ang
hotel na aming tutulugan. Matapos maligo ay nagtungo na kami ng Laoag City upang doon maghapunan.
Napasyalan namin saglit ang Sinking Tower maging ang plaza at munisipyo ng Laoag. Muli na kaming
bumalik ng hotel upang makapagpahinga.

Kinabukasan ay maaga kaming umalis para magtungo naman sa Cape Bojeador na isang lighthouse.
Kasunod nito ay sa Kapurpurawan Rock Formations. Pagkatapos roon ay sa Bangui Windmills naman. Sa
tabi ng dagat ay nakahilera ang mahigit isandaang malalaking windmills na siyang napagkukunan ng
kuryente para sa ilang bayan sa Ilocos. Nananghalian kami sa isang restaurant Cave. na Maganda malapit
ang sa tanawin Bantay-Abut rito at nakakamangha ang kweba na tumatagos sa dagat.

Sumunod naming dinayo ay ang Kabigan Falls. Kalahating oras ang kailangan naming ilaan patungo sa
talon. Maaaring maligo sa talon at mababaw lamang ito ngunit hindi na kami naligo. Bagkus ay
nagpahinga lang kami saglit at namamanghang tinignan ang may kataasang talon. Napaisip tuloy ako
habang nakatitig dito. Sana katulad ng sa tubig ay umagos na rin palayo ang pagmamahal ko para kay
Aries. Nais ko ng kumawala mula sa lahat ng sakit na dinulot niya sa akin. Itigil ko na sana ang
pagmahahal para sa kanya at nawa'y mawala na rin ang pag- asa sa puso ko na magkaayos pa kami at
magkabalikan. Kailangan ko na siyang kalimutan. May iba na siyang mahal at wala na akong magagawa
sa bagay na iyon kundi ang palayain na lamang siya ng tuluyan. Pinunasan ko ang aking mga pisngi na
may bahid na ng luha bago pa ako makita ng mga kaibigan ko. Nakilala nila akong malakas at masayahin.
Mula kolehiyo ay magkakaibigan na kami at ngayon nga ay limang taon na kaming may mga iba-ibang
pinagkakaabalahan sa buhay. Limang taon na nga ang lumipas mula nang magtapos kami sa kolehiyo
ngunit kami-kami pa rin ang magkakasama kapag may okasyon o mga galaan na gaya nito. Salamat sa
Diyos at may mga kaibigan akong nasasandalan at nasasabihan ko ng aking mga saloobin bukod pa sa
aking pamilya. Iniwan man ako ng isang tao na lubos kong minahal ay alam kong may mga tao pa rin na
hindi ako iiwan at sasaktan kailan man.

"Huwag ka ng mag-drama jan, Elena. Tara na sa van dahil may susunod pa tayong pupuntahan. Maliligo
na tayo sa beach!" Masayang wika ni Leni. Nakangiti naman akong sumunod sa kanya. Sa Pagudpud nga
kami naligo. Ang dagat nito ay napakaganda at napakalawak. Puting-puti at pinong-pino ang buhanginan
sa tabing dagat. Isa itong paraiso! Kakaunti lamang ang mga tao nang mga sandaling iyon kaya naman
libre ang sumigaw. Muli kong isinigaw ang nilalaman ng aking puso.

"Kakalimutan na kita! Hindi na kita mahal!"

Tinapik ako sa balikat ni Jenna, "Maaaring sa ngayon ay hindi pa totoo yang mga sinasabi mo pero
pasasaan ba't magiging totohanan rin yan. Kailangan mo lang tanggapin sa sarili mo ang lahat at huwag
ka ng aasa pa." Payo niya.

May pait sa aking ngiti nang tanguan ko siya. Itinuloy na namin ang paglangoy at pagbabad sa ilalim ng
araw. Napuno ang aming oras na nakalaan para sa paglangoy ng kulitan, asaran, kwentuhan at tawanan.
Nang magtatakipsilim na ay muli na kaming bumalik ng hotel para maghapunan at magpahinga dahil
maaga pa kaming luluwas pa-Maynila kinabukasan. Alas syete ng umaga ay handa na ang lahat para sa
isa na namang mahabang byahe. Nakakain na rin kami ng almusal. Pagkalipas ng apat na oras ay muli
kaming dumaan ng Vigan upang mamili ng pasalubong. Naglaan kami ng isang oras para doon. Kung dati
sa tuwing pupunta 0 magbabakasyon ako sa ibang lugar ay lagi kong binibilhan ng pasalubong si Aries
sampu ng pamilya niya ay hindi na ngayon.

Mga ka-opisina, kasama sa bahay o pamilya ang mga tao na nasa isip ko na bibilhan ng pasalubong. Pati
na rin pala ang matalik kong kaibigan na hindi nakasama sa amin dahil sa kanyang trabaho. Ibinili ko si
Mark ng isang t-shirt na Vigan na katulad ng sa akin. Mukha siyang couple's shirt ngunit para sa akin ay
wala itong malisya. Isa si Marky sa mga taong pinahahalagahan ko sa buhay. Maging siya ay
dinadamayan ako kahit pa gaano siya kaabala sa kanyang trabaho. Napagtanto ko na kaya ko naman
palang mabuhay nang wala si Aries sa loob ng aking mundo. Sabi ko sa kanya hindi ko kaya, pero
nagkamali ako. Dahil kayang kaya ko! Sa tulong ng Diyos at ng mga tao sa aking paligid ay kaya kong
magkaroon ng panibagong buhay na wala siya. Habang lulan ng van na pabalik ng Maynila ay ito ang
aking nasa isip: Iniwan ko na sa Ilocos ang basag kong puso at dala-dala ko ngayon ang isang buo at
panibagong puso na magmamahal muli ng isang taong karapat-dapat. Hindi pa man iyon agaran ngunit
alam kong darating din ang tamang panahon para panibagong pag-ibig. sa isang

Lumipas ang kalahating taon at naging masaya ang buhay ko nang wala siya. Marami akong bagay na
nagagawa ngayong malaya na ako mula sa isang nabigong pag- ibig. Mga bagay na hindi ko nagagawa
noon sapagkat halos ang buong mundo ko ay umikot lamang sa kanya. Lahat ng aking oras na bakante ay
ibinubuhos ko sa kanya. Nagkaroon ako ng panibagong mga plano para sa aking sarili. Marami pa akong
mga lugar na gustong puntahan at mga nais gawin sa hinaharap. Bukod sa pagbuo ng sariling pamilya-
na nais ko na sanang mangyari noon, ay marami pa palang pwedeng mangyari sa aking buhay. Ang mga
pangarap ko noon bago ko pa man makilala si Aries ay muling nanumbalik sa aking dugo. Muli kong
naging mithiin ang mga ito. Ilan sa mga pangarap ko noon ay malibot ko ang buong Pilipinas at maakyat
ang mga matataas na bundok. Ninais ko rin noon na makatulong sa kapwa bilang myembro ng anumang
organisasyon na naglalayong makapagbigay ng serbisyo sa ibang tao na walang hinihinging kapalit o
kabayaran. Sa mga libre kong oras ay ito ang aking mga pinagkakaabalahan at masaya ako sa aking mga
ginagawa na sa wakas ay nakalimutan ko na ng tuluyan ang pagmamahal ko para sa kanya. Maaaring
malinaw pa rin. sa aking memorya ang mga pinagdaanan namin kasama na ang araw na lubos akong
nasaktan ay wala na akong maramdamang kahit anong pait o saya o lungkot. Masasabi kong ang isang
kabanata ng aking buhay ay nagsara na at masayang masaya ako tungkol sa bagay na ito. Paunti-unti ay
may mga bago akong tao na nakikilala at nagiging parte ng aking buhay. Isa na rito si Miguel. Nagkakilala
kami mula sa isang tao na pareho naming kakilala at kaibigan. Aaminin kong masaya ako kapag kausap
ko siya. Napapatawa niya ako ng malakas at magaan talaga sa aking pakiramdam kapag magkasama
kami. Halos lahat ng bagay ay napagki- kwentuhan namin at walang patay at nasasayang na sandali sa
tuwing kami ay magkasama.

Isang araw ay inamin niya sa akin ang totoo niyang nararamdaman. "Mahal kita, Elena. Isa kang babae
na may ginintuang puso at masasabi kong ikaw na ang nais kong makasama habambuhay." Pagtatapat
niya ng saloobin. "Bukod sa maganda ka ay maganda rin ang iyong kalooban. Isang malaking tanga si
Aries dahil pinakawalan niya ang katulad mo. Sana ay mabigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka
sa habang panahon."

Ramdam ko ang sinseridad sa bawat salitang binitiwan ni Miguel. Ngunit naghahari ang takot at
pangamba sa aking puso. Handa na nga ba akong magmahal ulit at tumanggap ng isang panibagong
lalaki sa buhay ko ng higit pa sa isang kaibigan? Handa na nga ba akong masaktan ulit kung saka-sakali?

Mukhang hindi pa. Walong buwan pa lamang ang nakakalipas mula ng makipaghiwalay sa akin si Aries at
kung papayagan ko si Miguel na pumasok sa aking puso ay baka muli na naman itong mabasag.

Pinili ko ang iwasan muna si Miguel. Lumayo ako sa kanya para makapag-isip-isip.

"Maghihintay ako sa'yo Elena, hanggang sa kaya mo na ulit ang magmahal, hanggang sa mawala na ang
lahat ng takot diyan sa puso mo." Aniya sa naging huli naming naging pag-uusap.

"Maraming salamat, Miguel. Espesyal ka sa akin, tatandaan mo iyan." Tangi kong naging tugon sa kanya.
Gusto ko siya, oo. Ngunit natatakot ako.
Lumipas ang ilang linggo na hindi kami nag-usap at aaminin ko sa sarili ko na na- mi-miss ko si Miguel.
Tila ba araw-araw ay may kulang sa buhay ko ngunit tiniis ko ang pangungulila upang malaman ko ang
tunay kong nararamdaman para sa kanya. Baka kasi hindi ko naman talaga siya gusto at ginagamit ko
lamang siya upang tuluyang makawala sa mga ala-ala ko kay Aries. Hindi ko alam. Nalilito pa ako sa
kasalukuyan. Dahil sa trabaho ay kinakailangan kong magtungong muli ng Ilocos. May itatayong bagong
sangay ang aking kumpanyang pinagtatrabahuhan doon at ako ang inatasan na magtungo roon upang
ayusin ang mga papeles ng establisyemento.

Sa pagbabalik ko sa Ilocos, habang lulan ng aking sasakyan, ay muli kong naalala ang basag kong puso na
iniwan doon. Marahil ay kailangan ko iyong balikan sapagka't iyon ang klase ng puso na matapang, dakila
at handang masaktan dahil marunong iyon magmahal ng lubos. Sana sa pagbalik ko ng Maynila ay handa
na ulit akong umibig at mawala na ang lahat ng takot na naghahari sa aking puso. Gabayan sana ako ng
Maykapal.

REHIYON 2

Yungib sa Bundok Gidday

Reynaldo A. Duque

Wala nang tatanda pa kay Apong Genesis sa Bagani Ubbog. Kaya ganoon na lamang siya tinitingalaan ng
aming mga kabaryo, kanyang mga anak, at lalo na ako. Ako ang kanyang kasamang nakatira sa kanyang
malaking dampa sa ibabaw ng burol at ako na rin ang nagsisilbing tagapangalaga niya. At sa habang
panahon na kami ay magkasama, ni minsa’y hindi siya naubusan ng mga katangi-tanging mga katangian
kaya lalo ko siyang hinahangaan.

Pandak siya at puti na ang lahat ng kanyang mga buhok, kilay at balbas ngunit kamanghang-mangha
parin ang kanyang malakas na pangangatawan.Wala siyang pinag-aralan ngunit ang kanyang boses ay
nagsisilbing batas sa aming baryo.Matagal nang yumao ang kaniyang asawa na si Apong Ibang,ngunit
hindi ito naging hadlang upang mapagtapos niya ang kaniyang mga anak na sina Apong
Emmanuel,Apong Abraham at Apong Israel bilang isang doctor,enhinyero at pulis.Isa rin siyang
relihiyosong tao,sa lahat ng kanyang mga ginagawa,lagi niya itong sinasamahan ng dalangin.Ngunit wala
siyang pinaniniwalaang relihiyon na taliwas sa iba’t ibang sektor ng relihiyon na kinabibilangan ng
kanyang mga anak.

At sa kabila ng kanyang pagiging matalino,nakakatuwa rin na isa siyang buhay na alamat.Marami pa rin
siyang mga paniniwala at kaugalian na katulad na ng sa mga katutubong Pilipino.Sa
katunayan,pagkatapos na pagkatapos niyang magdasal pagkagising,ay papanhik na siya dala ang hinanda
kong umagahan patungo sa Bundok Gidday.At ni minsa’y hindi niya ako niyayang sumama kaya minsan
nahihiwagaan narin ako patungkol dito.Minsan ko na siyang inusisa tungkol dito at ang binanggit niya
lamang ay pumupunta daw siya doon upang bisitahin ang kanyang kaibigan na nagbabantay sa kanyang
mga kayamanan. Lubos akong naintriga sa tinuran niya, ngunit kinimkim ko nalang sa aking sarili ang
aking mga katanungan. Nanatiling mapayapa at tahimik ang buhay ni Apong Genesis.

Hanggang isang araw,nagkasakit ng malubhang karamdaman si Apong Genesis at ayon pa sa kanyang


anak na doctor,maaring hindi na tatagal ang kanyang buhay.Agad na nagsiuwian ang kaniyang iba pang
mga anak dahil sa pag-aalala sa kaniya at maging tungkol sa kanyang pamana.Nag-antay sila na banggitin
ito ni Apong Genesis ngunit hindi niya ito ginawa.Minsan nga,nagpaparinig na sila dito ngunit
nagpapatay-malisya lamang ito.Lumala at lumala na ang kaniyang karamdaman na lalong kinabahala ng
magkakapatid.Minsan nga nila akong inusisa kung mayroon ba akong ideya tungkol dito, ngunit ang
tangi ko lang alam ay yung minsang binanggit ni Apong Genesis.Mabuti na lamang pagkatapos
nun,katakang-takang humupa na ang kanilang pangungusisa kay Apong Genesis at maging sa akin.

Ngunit isang araw,ginising ako ni Apong Genesis at kami raw ay aakyat sa Bundok Gidday.Wala akong
kaideya-ideya sa kung ano ang gagawin namin doon pero isang bagay ang nasisiguro ko,nagmamadali
talaga si Apong Genesis sa puntong hindi ko na siya maabutan.Hinihingal na ako ngunit hindi parin siya
natitinag na hindi mo aakalahing may sakit na siya sa kalagayang yan.Iilang mga ilog ang aming tinawid
hanggang sa tuluyan na naming narating ang tuktok ng Bundok Gidday.Nagulat ako sa aking
nadatnan,kasi ni minsa’y hindi nabanggit ni Apong na mayroon palang kweba sa tuktok ng bundok na
ito.At di kagaya ng tahimik na atmospera sa mga kweba,dinig na dinig namin ang mga umpukan ng mga
bato at metal pati narin ang sigawan ng mga pamilyar na boses.

Agad kaming pumasok at natunghayan namin ang isang grupo ng mga lalake na abalang naghuhukay na
parang may hinahanap.”Kunyo!Anak-ti-sal-it!”Parang kulog ang boses ni Apong Genesis.Natigilan ang
lahat na parang sila ay nakakita ng isang multo.”Emmanuel,Abraham,Israel anong ibig sabihin
nito?”Nagsitinginan ang magkakapatid.Walang gustong sumagot.”Ano kayo mga pipi?Sagot!”Galit na
tanong ni Apong.At ayun nga,ipinagtapat nila na kanilang hinahalughog ang kweba nagbabasakaling dito
nakatago ang kayamanan ni Apong Genesis.”At saan naman nanggaling ang ideyang iyan?”mahinahong
tanong ni Apong.Agad silang nagtinginan sa akin.Bigla akong pinawisan ng malamig ng nabaling sa akin
ang atensyon ni Apong na waring nag-aantay ng sagot.Kaya inamin ko na ang katotohan.

Ngunit hindi pa ako natatapos,noong biglang humagalpak ng tawa si Apong na lubos naming
ikinagulat.At pagkatapos niyang tumawa,unti-unti niyang nilinaw ang lahat.Isa na dun ang tungkol sa
kaibigan niyang araw-araw niyang dinadalaw na di umano’y nagbabantay sa kanyang mga
kayamanan.Hindi ito isang engkantada,espiritu o maging isang nuno sa punso,ito ay ang kanyang
namayapang asawa na doon nakahimlay ang kanyang mga labi.At ang kanyang binabantayang
kayamanan ay hindi pilak o ginto ngunit ang kanilang pamilya na alam niyang ginagabayan at
binabantayan ng kanyang yumaong asawa.

Noong una,hindi makapaniwala ang magkakapatid dahil kung nagkatao’y hindi ginto ang kanilang
mahuhukay kundi mga buto ng kanilang sariling ina.Ngunit maya’t-maya’y nagsitawanan na lamang ang
lahat at umuwi na baon ang kwento sa likod ng yungib sa Bundok Gidday.Pagkatapos ng iilang mga
buwan,tuluyang namayapa na si Apong at ang kanyang mga labi ay inilibing sa tabi ng kanyang asawa sa
loob ng yungib.At dumaan man ang marami pang mga taon, nasisiguro kong mananatiling buhay si
Apong sa mga puso ng mga taong tunay na nagmamahal sa kanya.

REHIYON 3

Buod ng Bunga ng Kasalanan

Cirio H. Panganiban

Si Virginia ay isang babaing mayaman, madasalin at palasimba samantalang, ang kanyang asawang
si Rodin ay may pangalan at silang dalawa ay nabubuhay sa kasaganahan. Sa loob ng sampung taon
nilang pagsasama bilang mag-asawa ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Ang anak na magiging
mutya ng kanilang tahanan at magmamana ng dakilang pangalan ni Rodin.

Sa tindi ng pananalig at pananampalataya nina Virginia at Rodin sa Diyos at Mahal na Birhen. Ang mag-
kabiyak ay taimtim na nananalangin sa Ubando alang-alang sa kamahal-mahalang San Pascual at kapinu-
pinuhang Santa Klara. Ngunit hindi pa rin sila nabigyan ng minimithing anak.

Pagdating sa larangan ng medisina, ang malaking pagkasulong ng matandang karunungan sa


paggamot ay nagbigay ng panibagong pag-asa kay Virginia at pati na rin kay Rodin. Sa pag-asang kanilang
muling naramdaman, mas lalong nanabik ang mag-asawa na magbunga ang kanilang malinis at kabanal-
banalang pagsisintahan.

Matapos ang matiyagang pagpapagamot sa isang doctor, Si Virginia ay nagdalang-tao. Pagkaraan ng


mahabang buwan ng kanyang paghihirap ay iniluwal na niya ang isang lalaking sanggol na nagtataglay ng
pangal ni Rodin at ng pangalan ng kanilang angkan. Napalundag sa labis na kaligayahan si Rodin nang
sabihin sa kanya na siya ay isang ganap ng ama na. Dali-dali niyang tinahak ang silid ng kanyang mag-ina,
isang tinging punung-puno ng paggiliw ang inilay niya para kay Virginia at isang matamis naman ang
ikinital niya sa kanyang pangalawang pag-ibig, ang kanyang anak.

Si Virginia palibhasa’y madasalin, marupok ang puso at natatakot sa Diyos, palibhasa’y mahinang-
mahina noon ang katawan at pag-iisip ay unti-unting nag-alinlangan sa kalinisan ang kanyang pagiging
ina. Ibig niyang maniwalang siya’y makasalanan sapagkat nilabag niya ang katalagahan at ang kalooban
ng Diyos para sa kanya. Dahil sa paniniwalang ito ay hindi niya pinag-tuusan ng pansin ang kanyang
munting anghel.

Unti-unting nabaliw si Virginia sa paniniwalang hindi laman ng kanilang laman ang kanilang supling kung
hindi isang bula lamang ng mga pinaghalu-halong karunungan. Wala nang ginawa si Virginia kundi
manalangin na lamang sa altar ng Birhen at humingi ng tawad sa Diyos.

Habang karga-karga ni Rodin ang kanilang anak ay inagaw ito ni Virginia at biglang bumulalas ng “Bunga
ng kasalanan! Ito ay hindi natin anak … “
Kinaumagahan noon, si Rodin ay dumanas ng isang gabing walang tulog at pagod sa pag-aalaga ng
kanilang anak. Samantalang si Virginia ay nasa higaan pa at sa mga sandaling iyon ay nakita niya ang
asawang si Rodin na sinasaktan ang anak. Agad na nagising si Virginia sa napakasamang panaginip na
kanyang nakita. Mabilis na pinuntahan ni Virginia ang kanyang mag-ama sabay kandong sa kanyang anak
at iniyapos sa kanyang dibdib saka pinupog ng maraming halik.

Yaong sa kabaliwan ni Virginia ay tinawag na bunga ng kasalanan.

REHIYON 4

"Langaw sa isang basong gatas"

Amado V. Hernandez

Nabasa ni Bandong ang El Fili ni Rizal na natutungkol kay Kabesang Tales, ito ang nagpatatag sa kanyang
loob na ipaglaban ang kanyang mga ari-arian na ipinamana pa ng kanyang mga ninuno. Hindi na
pumunta si Bandong sa Kabesa sapagkat alam niyang siya ay ikukulong. Natatakot siya na walang mag-
aalaga sa kanyang asawa at sa kanilang mga anak.

Hanggang dumating ang isang araw na gumulantang sa mundo ni Bandong. Nagising silang ginigiba ang
kanilang bahay at pinuputol ang mga matatandang punongkahoy, Nakipag-away si Bandong sa mga
gumigiba sa kanilang bahay ngunit tuluyan pa rin silang pinaalis ng mga armadong pulis dahil wala siyang
titulo na magpapatunay na siya ang may-ari ng lupa at matagal na ring hindi nagbabayad ng buwis.

Nakitira ang pamilya ni Andong sa kapatid ni Ana. Nang sila ay nakaluwag-luwag bumuo sila ng samahan
at pinamunuan nila ito, ang mga miyembro ay ang mga kapit-bahay nilang kapwa rin nila inagawan ng
lupain. Ang grupo ay laging nagrarally sa Royal Lanes na isang pribadong korporasyon. Hanggang sa isang
araw ay napuno ang nakaupo sa pinakamataas na posisyon ng korporasyon, nagbanta ito sa mag-asawa
na itigil ang kanilang ginagawa kung ayaw nilang mapahamak.

Isang araw nagtungo si Ana sa talipapa para bumili ng kanilang pananghalian. Dinakip siya sa daan at
dinala sa malaking bodega. Hinalay siya ng anim na kalalakihan. Makalipas ang tatlong araw siya rin ay
kinitlan ng buhay. Ang nag-utos ng lahat ng ito ay ang pinuno ng korporasyon.

Dumating ang balita kay Bandong na ang katawan ng kanyang asawa ay natagpuan sa damuhan. Agad na
kumaripas sa takbo si Bandong at nadatnan ang malamig na bangkay ng asawa sa damuhan. Alam na
niya agad na ang pinuno ng korporasyon ang responsibilidad sa pangyayaring ito.

Agad na gumawa ng aksyon si Bandong nang di nalalaman ng grupo. Araw-araw niyang minanmanan
ang pinuno ng korporasyon. Hanggang sa isang araw, nang naglakad ang pinuno ng korporasyon ay agad
na sinunggaban ni Bandong at sinaksak ito sa tadyang. Pagkatapos, agad siyang kumaripas sa takbo at
isinigaw ang. "Naipaghiganti na kita, Ana!"
Naging WANTED si Bandong at malaki ang perang nakapatong sa kanyang ulo. Nagpalipat-lipat ng
taguan si Bandong. Ang mga anak niya ay nasa pangangalaga ng kapatid ni Ana samantalang ang
panganay ay nasa bayan na walang kamalay-malay sa mga pangyayari maging ang pagkamatay ng
kanyang ina.

Ipinadakip ang mga anak ni Bandong at ipinalabas sa media, radyo at diyaryo upang mapilitang lumabas
ito. Walang magawa si Bandong kaya't siya ay sumuko na.

Makalipas ang isang araw ay agad na binitay si Bandong sa salang pagpatay, Isinalibro ng panganay ni
Bandong na nakapag-aral sa bayan ang buhay ng kanyang itay. Nabasa ito ng mga Pilipino at nabuhayan
sila ng pag-asa na ipaglaban ang kanilang karapatan.

REHIYON 5

"Superman ang Misis Ko"

Abdon M. Balde Jr.

Una ko siyang makadaupang palad, ramdam ko na agad ang tigas ng kanyang mga daliri. Sabi’y
pinaglalaba’t pinagsisibak ng panggatong ng magulang. Tibo ka ba? tanong ko minsan. Ang sagot ay
kunwaring suntok sa dibdib ko.

Pero napakaganda niya para pakawalan. At napakabait. Siya’ng omoorder at nagdadala ng pagkain sa
mesa. Inaalalayan niya ‘ko sa pagtawid sa kalsada.

Nang ikasal kami’y kinarga niya ‘ko paakyat sa apartment, habang yakap ko ang saklay sa paa.
Pangatlong palapag kami. Kanya ang mabibigat na gawain: pagkabit ng TV antenna, pagkumpone ng
kisame, pagpalit ng screen. Ako’y taga-luto lang.

Isang hatinggabi nagkasunog sa unang palapag. Abot sa ikaapat na palapag ang usok. Sensitibo ako sa
usok, agad akong nahilo. Nang balikan ng malay, nasa ospital na ‘ko. Nasunog ang buong apartment.
Kaunti kaming nakaligtas.

Sa bagong apartment, bago matulog, tinanong ko kung paano n’ya ‘ko nailigtas. Inilipad kita palabas ng
sunod na apartment, sagot n’ya.
REHIYON 6

Si Pinkaw

Isabelo S. Sobrevega

Naalimpungatan ako sa pag-idlip nang hapong iyon dahil sa napakaingay na sigawan at tawanan ng mga
bata sa lansangan. Napilitan akong bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Si Pinkaw
pala na sinusundan ng mga bata. May karga-kargang kung ano at pasayaw-sayaw na naglalakad. Gula-
gulanit ang kanyang damit na ilang ulit nang tinagpian, at ang isang paa'y may medyas na marahil ay asul
o berde. Hindi ko matiyak dahil malayu-layo na rin ang kanyang kinaroroonan. Sa kabilang binti, may
nakataling pulang papel na may nakakabit na lata ng gatas sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong na
palarang kumikinang tuwing tinatamaan ng araw. "Hoy, Pinkaw," sigaw ng isang batang nakasandong
abot tuhod at may itinatawing-tawing na daga, "kumanta ka nag ng blak is blak." "Sige na, Pinkaw,"
udyok ng iba pang mga bata. "Ayoko nga, nahihiya ako," pakiyemeng sagot ng babae sabay subo sa
daliri. "Kung ayaw mo, aagawin naming ang anak mo!" nakangising sabat ng pinakamalaki sa lahat.
Mahaba ang buhok at nakakorto Ilamang. At umambang aagawin an gang karga ni Pinkaw. Umatras ang
babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga. Nagsigawan ang mga bata habang pasayaw-sayaw
na pinalilibutan si Pinkaw. "Sige, agawin natin ang kanyang anak," sabi nila sabay halakhak. Maya-maya'y
nakita kong sumalampak si Pinkaw at nag-iiyak na tumadyak-tadyak sa lupa. "Huwag ni'yo namang kunin
ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa mayor." Patuloy pa rin ang panunudyo ng mga bata sa babae.
Lalong lumakas ang hagulgol ni Pinkaw. bata! Naawa ako sa babae at nainis sa mga bata. Kaya't
sinigawan ko sila upang takutin. "Hoy, mga bata! Mga salbahe kayo. Tigilan n'yo iyang panunukso sa
kanya." Marahil natakot sa lakas ng pagsigaw ko ang mga bata kaya't isa- isang nag-alisan. Nang wala na
ang mga bata, tumingala sa akin si Pinkaw at nagsabing: "Meyor, kukunin nila ang aking anak." Hindi ko
napigilan ang pagngiti. May koronel, may sardyen, may senador siyang tawag sa akin at ngayon nama'y
mayor. "O sige, hindi na nila kukunin iyan. Huwag ka nang umiyak." Nginitian niya ako. Inihele ang karga.
Nahulog ang basahang nakabalot doon at nakita kong lata pala iyon ng biskwit. Dali-dali niyang pinulot
iyon at muling ibinalot sa lata. "Hele-hele, tulog muna, wala rito ang iyong nanay..." ang kanyang kanta
habang ipinaghehehe at siya'y patiyad na sumasayaw-sayaw. Natigilan ako. Lumala na ang pagkaloka ni
Pinkaw. Nakakaawa naman. At naalala ko ang Pinkaw na dating kapitbahay naming sa tambakan, nang
hindi pa iyon nababaliw.

Paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (narito sa amin ang tambakan ng basura ng siyudad);
ditto siya nakakuha ng makakain, magagamit o maipagbibili. Dati-rati, madalas siyang kumakanta. Hindi
kagandahan ang kanyang patagulaylay na pagkanta. Habang tumutulak sa karitong may tatlong gulong,
pababa sa lubak-lubak at maputik na lansangan, sinusundan siya ng mga asong kumakahol. Isang bagay
lamang ang mapupuna mo sa kanya-lagi siyang kumakanta. Hindi naman maganda ang kanyang boses-
Basag nga at boses lalaki. Subalit may kung anong kapangyarihang bumabalani sa pandinig. Marahil dahil
ito sa malungkot na tono ng kanyang awit o marahil sa iyong pagtataka kung bakit ganoon siya kasaya
gayong naghahalukay lamang siya ng basura. Kadalasan, oras na ng pananghalian kung siya'y umuwi
mula sa tambakan. Ang kariton niya'y puno ng mga karton, papel, bote, basahan, sirang sapatos; at sa
bag na buri na nakasukbit sa gilid ng kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian. Mga tira-tirang
sardinas, karne norte o kaya'y pork-en- bins, pan de sal na kadalasa'y nakagatan na, at kung minsang
sinuwerte, may buto ng prayd tsiken na may lamang nakadikit. Sa kanyang payat na katawan,
masasabing tunay na mabigat ang kanyang itinutulak, ngunit magugulat ka, tila nagagaanan siya at
madalas pang kumakanta ng kundimang bisaya. Pagdating niya sa harap ng kanyang barungbarong, agad
niyang tatawagin ang mga anak: "Poray, Basing, Takoy, nanadito na ako." At ang mga ito'y kaagad
magtatakbuhang magkasalubong sa kanya habang hindi magkaringgan sa pagtatanong kung may uwi
siyang jeans na istretsibol; ano ang kanilang pananghalian, nakabili raw ba siya ng bitsukoy? Dalawang
taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko man lang nabatid ang tunay niyang pangalan. "Pinkaw" ang
tawag ng lahat sa kanya.

Ayon sa kanya, balo na raw siya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit na epilepsy habang dinadala niya
sa kanyang sinapupunan ang bunsong anak. Subalit sinusumpa ni Pisyang sugarol sa kanyang paborit
ong santo na hindi raw kailanman nakasal si Pinkaw. Iba-iba raw ang mga ama ng kanyang tatlong anak.
Ang kanyang panganay na si Poray, ay labis na mataas para sa kanyang gulang na labintatlong taon at
napakapayat. Tuwing makikita mo itong nakasuot ng istretsibol na dala ng ina mula sa tambakan, agad
mong maaalala ang mga panakot-uwak sa maisan. Si Basing ang pangalawa, sungi na ngunit napakahilig
pumangos ng tubo gayong umaagos lamang ang katas nito sa biyak ng kanyang labi. Ang bunso na
marahil ay mga tatlong taon pa lamang ay maputi at gwapong-gwapo. Ibang-iba siya sa kanyang mga
kapatid kaya minsa'y maiisip mo na totoo nga ang sinasabi ni Pisyang sugarol. Pagkatapos mananghalian,
aalisin na ni Pinkaw ang laman ng kariton, ihihiwalay ang mga lata, ang mga bote, ang mga karton, at iba
pang bagay na napupulot sa tambakan katulong ang kanyang mga anak, at ang suungi ang siyang
pinakamalakas na tinig. Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo sa Intsik na tagabili. Mahal na
mahal ni Pinkaw ang kanyang mga anak. Sa tambakan, karaniwang makikita mo na sinasaktan ng mga
ina ang kanilang mga anak, ngunit hindi mo man lang makikita si Pinkaw na inaambaan ang kanyang mga
anak. "Ang mga bata," nasabi niya minsang bumibili ng tuyo sa tindahan at nakitang pinapalo ng isang
ina ang maliit na anak na nahuling tumitingin sa malalaswang larawan. "Hindi kailangang paluin; sapat
nang sabihan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at
pagmamahal. Ang bata kung saktan, susunod siya sa iyo subalit magrerebelde at magkikimkim ng sama
ng loob." Sa tunggalian ng kabuhayan sa tambakan, kung saan ang tao ay handang tumapak sa ilong ng
kapwa-tao upang mabuhay, nakapagtataka ang katangian ni Pinkaw. lubha siyang matulungin, lalo na sa
katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng
iba, lalo na ng matatanda at bata. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing linggo'y hindi kukulangin sa
beinte sentimos ang ipinamamahagi niya sa pulubi. Batid ng lahat sa tambakan ang mga ito.

Minsan, nagkasakit ng El Tor ang sunging anak ni Pinkaw. Nagtungo siya sa suking Intsik. Nakiusap na
pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Intsik ngunit sa isang kundisyon. Bukambibig na ang
pagkahayok sa babae ng Intsik na ito, kaya pinagdugtong-dugtong ng mga taga-tambakan kung ano ang
kundisyong iyon, sapagkat wala naman talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Batid na ng lahat
ang sumunod na nangyari. Ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pinkaw sa ulo ng Intsik. Hindi rin
nadala ni Pinkaw sa doctor ang kanyang anak. Pag-uwi niya, naglaga siya ng dahon ng bayabas at
ipinainom sa anak. lyon lamang ang nagpagaling sa bata. "Nagpapatunay pa rin na may awa ang Diyos.
Kung ninais niyang mamatay ang aking anak, sanay namatay na. Ngunit dahil nais pa niyang mabuhay
ito, nabuhay na kahit hindi naipaduktor," sabi ni Pinkaw nang magpunta siya sa tindahan bago pa man
gumaling ang kanyang anak. Minsan, napag-usapan ng mga nagtitipon sa tindahan ang tungkol sa bigas,
relip, at iba pang bagay na ipinamimigay ng ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa mahirap.
Subalit si Pinkaw na nagkataong naroroon, "Bakit iaasa ko sa pamahalaan ang aking pamumuhay?
Malakas at masigla pa naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang maging palamunin. Marami pang
iba riyan na nararapat bigyan ng tulong. Ang hirap lang sa ating gobyerno, kung sino ang higit na
nangangailangan ay siyang hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang tao riyan na mabuti naman ang
kalagayan sa buhay ang siyang nagkakamal ng tulong. Kalokohan..." lyan si Pinkaw. kontento na siya sa
kanyang maaabot sa buhay. Naganap ang susunod na pangyayari ng wala ako sa amin sapagkat nasa
bahay ako ng kapatid kong maysakit. Isinalaysay na lamang ito ng aking mga kapitbahay pagbalik ko, at
matinding galit ang aking nadama sa kanila. Isang araw pala, matapos mananghalian ang mag-anak, bigla
na lamang namilipit sa sakit ngtiyan ang mga bata. Marahil, sardinas o anumang panis na pagkain ang
naging sanhi nito. Natuliro si Pinkaw. Nagsisigaw.

Tumakbo sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong. Ngunit wala silang maitulong maliban sa
pagsasabihan siyang dalhin ang anak sa ospital. Walang nagdaraang sasakyan sa kalyehon kaya sa
kariton isinakay ni Pinkaw ang mga anak. Nagtungo siya sa bahay ng doctor na malapit lamang, ngunit
wala ang duktor sapagkat naglalaro raw ito ng golf, ayon sa katulong. Kaya natatarantang itinulak ni
Pinkaw ang kanyang kariton sa isa ppang duktor. Matagal siyang tumimbre sa trangkahan ngunit walang
nagbukas gayong nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana. Litong-lito, itinulak na naman ni Pinkaw
ang kanyang kariton papuntang bayan. Halos din a makakilos sa pangangapos ng hininga, bukod pa sa
lubhang kalungkutan sa pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton.
Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan siyang pinapahinto upang isakay ang
maysakit na mga anak, ngunit wala ni isa man lang ang tumigil. Maya- maya'y napansing hindi na
kumikilos ang kanyang panganay. Sinalat niya ito at parang sinakluban siya ng langit nang mabatid
niyang ito'y hindi na humihinga. Humahagulgol niyang ipinagpatuloy ang pagtulak ng kariton upang
sikaping mailigtas ang buhay ng dalawa pa niyang maya'y napansing hindi na kumikilos ang kanyang
panganay. Sinalat niya ito at parang sinakluban siya ng langit nang mabatid niyang ito'y hindi na
humihinga. Humahagulgol niyang ipinagpatuloy ang pagtulak ng kariton upang sikaping mailigtas ang
buhay ng dalawa pa niyang anak. Maraming tao ang nagmamasid lamang sa kanya ngunit nakapagtataka
kung bakit wala man lang kahit isa ang Tumapit sa kanya upang tumulong. Tumatalbog-talbog ang
katawan ng kanyang mga anak sa kariton tuwing dumaraan ito sa lubak-lubak na kalsada. Pakiramdam
niya'y isang daang taon na lumipas bago niya narating ang ospital ng pamahalaan. Matapos ang
pagtuturuan ng mga duktor at nars, na ang binibigyang pansin lamang ay ang mga pasyenteng mukhang
mayaman, nalapatan din ng gamut ang dalawang anak ni Pinkaw.

Kinagabiha'y namatay si Basing, ang sungi. Dalawang araw pa ang lumipas at sumusunod namang
namatay ang bunso. Nakarinig na naman ako ng mga ingay. Muli akong dumungaw. Bumalik si Pinkaw,
sinusundan na naman ng mga pilyong bata.

"Hele-hele, tulog muna. Wala rito ang iyong nanay..." ang kanta niya habang ipinaghehele sa kanyang
mga bisig ang binihisang lata.

Você também pode gostar