Você está na página 1de 5

CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)

CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING


I. PAMAGAT: ANG GLOBALISASYON AT ANG MUSIKANG POPULAR

II. LAYUNIN: Pagkatapos ng talakayan sa buong yunit, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
maipaliwanag ang kaugnayan ng pag-usbong musikang popular sa
globalisasyon;
matunton ang pinagmulan ng parehong pandaigdigang penomenang
ito;
maikumpara ang kalakaran sa pagitan ng tradisyonal at musikang
popular sa panahon ng globalisasyon;
mapahalagahan ang epekto ng pag-usbong ng makabagong sistemang
ito ng musika sa globalisasyon ng mundo.

III. PANIMULA
Ang globalisasyon ay nangangahulugang ang paglago ng relasyon ng
kultura, ekonomiya at ng mamamayan.
Ayon kay NIKOS KOTZIAS ang globalisasyon ay may pitong bahagi:
1. makabagong teknolohiya
2. bagong modelo
3. pag-usbong ng bagong komunikasyon ;
4. at transportasyon
5. bagong time-space na relasyon
6. bagong kukltura
7. bagong personal na apeksiyon sa buhay

IV. PAGTALAKAY:

PAANONG ANG GLOBALISASYON AT ANG MUSIKA AY


NAGKAKAUGNAY ?
1. Ang pagdebelop ng bagong teknolohiya ay gumawa ng mga produktong
pangmusika.
2. Nagkaroon ng mga pagbabagosa produksiyon ng mga tradisyunal na
musika tungo sa industriya ng popular na musika.
3. Ang pagbabago ng komunikasyon at transportasyon ay may koneksiyon sa
pag-unlad ng teknolohiya.
4. Naislilang ang bagong kultura dahil sa impluwensiya ng pandaigdigang
muika.
5. Ang pag-usbong ng globalisayon sa larangan ng pop. music ay
nagpabago sa buhay ng tao.

- Ayon kay ALEXANDER G. BALTZIS (isang sosyolohista) ang globalisasyon


ay hindi isang bagay na nakikita o nangyayari sa musika lang o sa may tiyak

70
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
na na epekto nito. Sa halip, ang pagbabago ng kulturang musika ay bumubuo
ng isa sa mga aspeto ng globalisasyon.
- Sa kabuuan, ang pagbabago ng musikang popular ay hindi isang salik ng
globalisasyon, kung hindi ito ay parte na ng penomenang ito.

ANG PAGPAPALAWAK NG MUSIKANG POPULAR AT ANG


PAGBABAGONG KULTURA NITO
Ayon kay YUKO AOYAMA (an economic at industrial geographer)
Just as in any other indusrty, for a music genre to gain popularity, it
necessitates an expansion to an export market near and far.
Ibig sabihin nito, ang globalisasyon ay nagbibigay ng mga bagong
oportunidad para sa industriya ng Pop. Music at magpalawak ito sa
pandaigdigang merkado at makakuha ng malaking tubo.
Higit pa nito, si BALTZIS ay nagbigay ng salitang Transculture na
tumutukoy sa penomena ng paglipat ng Pop. Music at pagbabago
nito sa ibat-ibang kultura at bansa; at resulta nito, mga makabagong
istilo ng musika ay nabuo.
Halimbawa : CHINESE POP. ito ay ang pinagsamang Pop.
Music at tradiyunal na mga Chinese
Opera.
At isinuhestiyon din ni Baltzis, Given the new condition created by the
digitalization, virtualization and the Internet, artists at least in several
developed countries now have more possibilities to communicate
with their public, by passing several of these institutions

ANG GLOBALISASYON AT AMERIKANISASYON

Ayon kay GUST DE MEYER (propesor sa musika at popular culture) ,


nagbigay ng suhestiyon : that in the cultural-imperialistic view,
globalization is the result of Americanization.

Halimbawa nito ay; sa NEW YORK CITY nakapanghikayat sila


ng maraming migrante mula sa ibat- ibang bahagi ng mundo, at ang
pandaigdigang siyudad na ito ay nagsimula sa pagigin g hindi kilala sa sariling
bayan pero mas nakilala kahanay ang mga multinations culture.

71
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Ang katotohanan dito, sa pagtatapos ng ika-20 siglo, maraming mga
na-i-rekord na mga musikang Amerikano ang naitalang nakuha ng
ibang bansa katulad ng Germany at Japan. Hanggang ngayon, tanging
ang Warner Music lamang ang nagmula sa mga Amerikano; ang
European at Japanese ang nag-umpisang ipakilala ang Pop. Music
sa industriya.

Si ALEX SEAGO; propesor ng kasaysayan at kultural na pag-aaral; ay


gumawa ng isang pananaliksik na ang Amerikanisasyon at
Globalisasyon ay magkaugnay sa bawat isa, bagamat ang Pop.
Music ay hindi tumutukoy sa Amerikanisasyon ng musika.

Ayon sa pigura na ipinalabas ng Intenational Federation of the


Phonographic Industry, ibinahagi nila na noong 1987, 80% na orihinal
na sound recording media ay ibinenta sa sariling bansa.
Sa pangkalahatan, ang Amerikanisasyon ay hindi umusbong mula sa
globalisasyon ng penomena ng Pop. Music.

ANG PANDAIGDIGANG MUSIKANG POPULAR AT ANG TRADISYUNAL


NA LOKAL NA MUSIKA

Ang Pop.Culture ay naipalawak at nanguna sa resulta na ang


industriya ng musikang popular ay pinag-isa at nagkaroon ng batayan
ng iisang uri ng istilo ng musika. Ang paglaki ng teknolohiya at digital
na Pop. Music ay nagpabago mula sa makalumang pamamaraan ng
pamamahagi at pagpapalawak.

Sinabi ni Baltzis, In 1998, about 846 million new CDs were sold in the
American market, while in the first six months of 1999, at least 17
million MP3 files were downloaded from the Internet each day, that is a
total approximately 3 billion files.

Ayon sa istatistika, ipinapakita na ang digital na pop. music ay


nagiging isang pangunahing proseso para pakinggan ang mga awiting
ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao.
Mula sa pag-unlad ng pandaigdigang industriya ng popular na
musika, ang tradisyunal na lokal na musika ay napalitan ng Pop.

72
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Music. Ang mga tao ay bumibili na ng mga recorded musics sa tindahan;
idina-download ang MP3 files na mula sa Internet; at higit sa lahat ang mga
tao ay puwedeng gamitin ang kanilang mga smart phone paara makabili ng
mga APP . STORE.

Kumpara sa pagiging madali ng pop.music; - ang tradisyunal na


musika, kagaya ng opera at mga konsyerto, ay nangangailangan ng ito
ng oras, pera at espasyo. Ang mgat tao ay pumupunta sa mga teatro at
ginugugol ang oras para sa panonood ng opera. Kaya ang popular na
musika ay naungusan na ang tradisyunal na musika.

Ang mga iskolar ay nababahala na ang global pop. music ay


napalitan na ang estado ng ating lokal na musika.

Ang mga henerasyon ng kabataan ngayon ay itinuturing na mga idolo


ang mga pop. star. Ang musikang popular ay makikita sa araw-araw
na pamumuhay ng mga tao ngayon.

Subalit ang palawak ng musikang popular sa ngayon ay naging


dahilan ng pagkawala ng ating mga lokal na musika.

Kaya para maiwasan ito, maaaring isang suhestiyon lamang, ang


mainam na paraan para masulusyonan ang problemang ito ay
pagsamahin ang parehong tradisyunal at musikang popular. Gawing
isang globalisado ang lokal na musika; gawing maging moderno sa
parehong kultural at ekonomikal na pandama.

ANG MIGRASYON NG MUSIKA AT ANG EKONOMIYA NG


PANDAIGDIGANG MUSIKA

Ang migrasyon ng musika ay nangangahulugan na upang mas


makaakit pa sa mga manonood; ang mga produktong may kaugnayan
sa musika katulad ng poster, T-shirt, mga aksesurya at mga
produktong di-tatak ay nabuo.

Ang istilong ito nagpapaliwanag na ang penomenoon ng pop. Music


ay isinakomersiyo ng pandaigdigang ekonomiya ng musika.

73
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Higit pa doon, si MICHAEL POSNER (isang sikolohista); nagsabi na
Does anyone really know what such performers as Janet Jackson or
Madonna sound like? The truth is that how well pop stars sing is almost
irrelevant the music is largely massaged in the engineering studio.

Ang musikang popular ay naisasama na sa mga film, mga music


video, gossip magazine.
Ibig sabihin, ang pinaka-musika ay nagiging sekundarya na
lamang , dahil sa ang mga kaugnay na produkto ay siyang nagdadala ng
benepisyo at impluwensiya.

Salamat sa pag-unlad ng transportasyon at teknolohiya, dahil sa ang


mga kaugnay na musikang produkto ay naibebenta sa ibat-ibang
bahagi ng mundo.

Ngayon ang mundo ay nagiging pandaigdigang samahan na


pinalalawak pa sa mundo upang makapang-akit sa pandaigdig na
merkado.

Halimbawa, sa Korea, ang mga sikat na mang-aawit ng Pop.


Music. Ay ipinapalabas ang kanilang album sa dalawang magkaibang
bersiyon o lenggwahe.

V. EBALWASYON/PAGTATAYA:
Paggawa ng Output: Mag-download o makinig ng mga popular
na musika at tayahin ang mga katangian nito na iba sa tradisyunal na
musika.
Paggawa ng Collage: Magtipon ng mga musika ng isa sa mga ini-
idolo mong mang-aawit sa popular na musika at tayahin ang sarili
kung Bakit mo ito ini-idolo?
Pagkukumpara: Sa isang Venn Diagram, gumawa ng
pagkukumpara sa kahalagahan ng popular na musika at tradisyunal na
musika sa panahon ng globalisasyon.

VI. MGA SANGGUNIAN:

SAGE Handbook of Globalization (2014); page 885 - 901

74

Você também pode gostar