Você está na página 1de 12

Mga Elemento ng Maikling Kuwento

 Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
 Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
 Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
 Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao
laban sa kapaligiran o kalikasan.
 Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
 Kakalasan- Tulay sa wakas.
 Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.

KARAGDAGANG ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO

 Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente,


gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
 Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
 Kaisipan- mensahe ng kuwento.
 Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

URI NG MAIKLING KUWENTO


1. Kuwento ng Tauhan 5. Kuwento ng Madulang pangyayari
inilalarawan ang mga pangyayaring binibigyang diin ang kapanapanabik
pangkaugalian ng mga tauhang at mahahalagang pangyayari na
nagsisiganap upang mabigyan ng nakapagpapaiba o nakapagbago sa
kabuuan ang pag-unawa sa kanila tauhan.
ng isang mambabasa. 6. Kuwento ng Sikolohiko
2. Kuwento ng Katutubong Kulay ipinadarama sa mga mambabasa
binibigyang-diin ang kapaligiran at ang damdamin ng isang tao sa
mga pananamit ng mga tauhan, ang harap ng isang pangyayari at
uri ng pamumuhay, at hanapbuhay kalagayan. Ito ang uri ng maikling
ng mga tao sa nasabing pook. kuwentong bihirang isulat sapagkat
3. Kuwentong Bayan may kahirapan ang paglalarawan ng
nilalahad ang mga kuwentong kaisipan.
pinag-uusapan sa kasalukuyan ng 7. Kuwento ng Pakikipagsapalaran,
buong-bayan. nasa balangkas ng pangyayari ang
4. Kuwento ng Kababalaghan interes ng kuwento.
pinag-uusapan ang mga 8. Kuwento ng katatawanan,
salaysaying hindi kapanipaniwala. nagbibigay-aliw at nagpapasaya
Naglalaman ang kuwento ng naman sa mambabasa.
katatakutan ng mga pangyayaring 9. Kuwento ng Pag-ibig
kasindak-sindak. tungkol sa pag iibigan ng dalawang
tao
TEORYA NG PANITIKAN

1. Teoryang Klasismo/Klasisismo

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng


estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili
sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

2. Teoryang Humanismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

3. Teoryang Imahismo

Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga


damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling
maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang
maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.

4. Teoryang Realismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang
lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.

5. Teoryang Feminismo

Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat


ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo
sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.

6. Teoryang Arkitaypal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng
mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin
muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa
akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong
ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.

7. Teoryang Formalismo/Formalistiko

Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang
tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang
nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi
humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

8. Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal-

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa


pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang
akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may
nag-udyok na mabago o mabuo ito.

9. Teoryang Eksistensyalismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa
kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).

10. Teoryang Romantisismo


Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa
pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na
gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao
o bayang napupusuan.

11. Teoryang Markismo/Marxismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning
panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing
modelo para sa mga mambabasa.

12. Teoryang Sosyolohikal


Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang
kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o
kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na
suliranin.

13. Teoryang Moralistiko


Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng
isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong
nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan.
Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
EL FILIBUSTERISMO

1. Sino ang nagsabi nito? "Ang suliranin ay hindi ang pagkakaroon ng tulisan sa mga bundok kundi ang
pagkakaroon ng mga tulisa sa mga bayan."
A. Basilio C. Simoun
B. Ben Zayb D. Padre Florentino
2. Sa anong imperyo inihalintulad ni rizal ang pagbagsak ng pamahalaang kastila?
a. babylonia c. Ehipto
b. Persia d. Roma
3. Alin ang magkasingkahulugan?
a. Subyang-tinik
b. Mataos-umalis
c. Tarukin-abuahin
d. Sukaban-tapat
4. May talinhaga at metapora na gumagamit ng mga karakter, lugar at pangyayari
a. Nobela
b. Maikling Kuwento
c. Alegorya
d. Sanaysay
5. Ano ang kahulugan ng salitang “Panagimpan”
a. Panaginip
b. Nais
c. Pangarap
d. Mithi
6. “Ang pag-aaral ay masama, masama sa Pilipinas”. Anong kabanata ito?
a. 17 c. 26
b. 11 d. 38
7. Ang lupaing ito ay maraming beses naghimagsik, dahil sa sapiliang paggawa. Kaninong pahayag ito.
a. Padre Salvi
b. Simoun
c. Don Costudio
d. Padre Sylavia
8. Sa Epiko ng Gilgamesh, ang ___________ ay nangangahulugang (Surpassing all other Kings).
a. Shutur elli Sari
b. Shatur Eli Shari
c. Shuttur Eli Sari
d. Shutur eli sharri
9. Ako ang araw na sumusikat tuwing umaga. Anong tayutay ang ginamit rito?
a. Pagsasatao c.
b. Pagwawangis
10. ano ang kahulugan ng salitang Sleep Soundly?
a. Matulog ng matunog
b. Mahimbing
c. Tahimik
d. Maingay
11. Teoryang nakabatay sa kasaysayan, pagbabagong paghanap sa panitikan.
a. Humanismo
b. Naturalismo
c. Idealismo
d. Romantisismo
12. Ang himalang nangyari sa buhay ni Mari Djata nang siya’y dinala kay Balla Fasseke.
A. naging mahusay na mandirigma C. nakapaglakad siya
B. naging maganda ang pamumuhay D. hinirang siyang hari ng Mali
13. “Marahil, mas makabubuting pag-isipan mo muna nang maigi ang isang bagay bago mo ito gawin.”
Anong ekspresiyon ang ginamit sa pahayag?
A. Pagpapayo C. Pagbibigay-babala
B. Pagsang-ayon D. Pag-anyaya
14. Siya ang anak ni Haring Maghan Kon Fatta sa ikalawa niyang asawa na si Sogolon Kadjou.
A. Dankaran Touma C. Sogolon
B. Sundiata D. Balla Fasseke
15. Ang himalang nangyari sa buhay ni Mari Djata nang siya’y dinala kay Balla Fasseke.
A. naging mahusay na mandirigma C. nakapaglakad siya
B. naging maganda ang pamumuhay D. hinirang siyang hari ng Mali
16. Ang ginawa ni Sassouma Berete sa pangalawang pamilya ng kanyang yumaong asawa.
A. pinarusahan C. ikinulong
B. ipinatapon D. ginawang alipin
17. Ang kapansanang taglay ni Sundiata mula nang siya’y ipanganak.
A. pagkabulag C. pagkalumpo
B. di makapagsalita D. pagkabingi
18. Nagtungo si Mari Djata sa pinakamahusay na panday na si _________ upang magpagawa ng
tungkod na bakal.
A. Balla Fasseke C. Gnankouman Doua
B. Ogolon Djamarou D. Farakourou
19. Kung ako ay ikaw kaibigan, papanigan ko si Bonifacio sapagkat lumaban siya at nagbuwis ng buhay.
Anong ekspresiyon ang ginamit sa pangungusap na ito?
A. Pag-aanyaya C. Pagbibigay-babala
B. Pagpapayo D. Pagsang-ayon
20. "Sa alikabok tayo babalik, Tatang, at wala tayong saplot nang tayo ay isilang." Sino ang nagsabi
nito?
a. Padre Camorra c. Tano
b. Makaraig d. Kabesang Tales
21. "Kung nasaan ang panganib, doon tayo pumaroon. Sapagkat doon ang karangalan."
a. Simoun c. Ginoong Pasta
b. Isagani d. Padre Sibyla
22. Ito ay isang akdang pampanitikan na nagsasalaysay ng mga mahahalagang pangyayari na
kinasasangkutan ng mga tauhan.
A. Maikling kuwento C. Sanaysay
B. Nobela D. Tula
23. Ito ay elemento ng maikling kuwento na siyang nagbibigay-buhay at kulay sa bawat pangyayaring
nakapaloob sa kuwento.
A. Tagpuan C. Tauhan
B. Tahanan D. Tunggalian
24. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng matinding buhos ng emosyon ng tauhan.
A. Kakalasan C. Kasamaan
B. Kalutasan D. Kasukdulan
25. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita o naglalarawan ng iba’t ibang lugar sa kuwento.
Pinupukaw nito ang imahenasyon ng mga mambabasa.
A. Tahanan C. Tauhan
B. Tagpuan D. Tunggalian
26. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng problema. Halimbawa nito ay ang tao laban
sa tao.
A. Suliranin C. Tunggalian
B. Problema D. Tugmaan
27.Ito ang tinaguriang utak, puso at kaluluwa ng maikling kuwento dahil dito makikita ang ganda at
maayos na pagkasunod-sunod ng mga panyayari sa kuwento.
A. Panimula C. Wakas
B. Gitna D. Banghay ng maikling kuwento
EL FILIBUSTERISMO
 Sa kaniya niya ibinigay ang orihinal na manuskrito na may dedikasyon at sarili nitong lagda,
bilang tanda ng kanyang pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat. -Valentin Ventura
 Dahil sa kanyang tulong pinansyal, natapos ang pagpapalimbag ng nobelang El
Filibusterismo
-Valentin Ventura
 Unang sinulat ang nobelang El Filibusterismo- 1887 sa Calamba
 Kanino inihandong ni Rizal ang nobelang "El Filibusterismo”?- GOMBURZA
 Tawag sa kalaban ng simbahan – Erehe
 Ito ay kung kailan/saan natapos ni Rizal ang Manuskrito ng El Filibusterismo.-Marso 29,
1891 sa Biarritza, Pransiya
 Dito ipinalimbag ang nobelang El Filibusterismo dahil ito ang nag-alok ng pinakamababang
halaga at maari itong bayaran ng hulugan- F. Meyer Van, Loo Press
 Prayle na nakatuon sa pangangaral ng mabuting balita. Dominikano
 Pari na nakatuon sa edukasyon at iba pang misyon. Heswita
 Isang espesyal na kawani ng lokal na Simbahan. Kononego
 Prayle na nakatuon sa kahirapan. Pransiskano
El Filibusterismo

Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong o pahayag at bilugan ang letra ng


napiling sagot.
1. Sinong tauhan ang nasa Noli Me Tangere ang nagbalik sa El Filibusterismo upang isakatuparan ang
kanyang mga balak?
a. Basilio c. Padre Florentino
b. Ben Zayb d. Simoun
2. Kanino inialay ni Jose Rizal ang kanyang nobelang Noli Me Tangere?
a. Sa Inang Bayan c. Kay Maria Clara
b. Padre Florentino d. Sa tatlong Paring Martir
3. Ano ang kahulugan sa Wikang Filipino ng salitang Filibustero?
a. Ang paghihiganti c. Ang Pagsusuwail
b. Ang Pagbabalik-loob d. Ang Puspusang Pagsunod
4. Paano inilantad ni Gat Jose Rizal ang tunay na kalagayan ng bayan?
a. Sa pamamagitan ng pagpapamudmod ng mga polyeto.
b. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarbey sa kanyang mga kakilala.
c. Sa pamamagitan ng pagtatanghal sa mga perya tungkol mga nangyayari sa lipunan.
d. Sa pamamagitan ng pagsulat ng mga akdang naglalantad ng mga pangyayari sa lipunan.
5. Saang ebanghelyo sa Bibliya hinango ni Rizal ang pamagat na Noli Me
Tangere na tumutukoy rin sa kung paano pinagsusuot ng mga patalastas
ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga makakasalubong nila.
a. Juan 20: 13-17 c. Juan 3:16
b. Gawa 20: 28 d. Exodo 3:12
6. Sino ang nagpayo kay Rizal na lisanin ang Pilipinas na agad naman niyang
sinunod upang mailayo ang sarili sa kapahamakan?
a. Ang Gobernador
b. Ang kanyang mga kapatid
c. Ang kanyang mga magulang
d. Ang kanyang mga kasama sa La Liga
7. Maliban kay Valentin Ventura, ang lahat ay binigyan ni Rizal ng kaunaunahang
sipi ng kanyang aklat MALIBAN SA ISA:
a. GOMBURZA c. Marcelo H. Del Pilar
b. Dr. Blumentritt d. Graciano Lopez Jaena
8. Ang lahat ay bahagi o tema sa Count of Monte Cristo na nahahawig sa El
Filibusterismo ni Rizal MALIBAN SA ISA.
a. Paghihiganti
b. Paggamit ng rebolusyonaryong paksa
c. pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon.
d. paggamit ng limpak-limpak na kayamanang itinapon o itinago sa kailaliman ng dagat at
nahanap ng pangunahing tauhan
9. Saan nailimbag ang nobelang El Filibusterismo?
a. Belgium c. Inglatera
b. Espanya d. Pilipinas
10. Alin sa mga akdang naging inspirasyon ni Rizal ang nagpapakita ng paggamit ng limpak-limpak na
kayamanang itinapon o itinago sa kailaliman ng dagat at nahanap ng pangunahing tauhan?
a. Ang Biblia c. A Tale of Two Cities
b. Les Miserable d. The Count of Monte Cristo
11. Si Edmund Dantes ang pangunahing tauhan sa The Count of Monte Cristo, Si Jean Valjean sa Les
Miserables, samantang si ________________ ang pangunahing tauhan sa El Filibusterismo.
a. Basilio
b. Ben Zayb
c. Padre Florentino
d. Simoun
12. Saan sinumulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo?
a. Belgium
b. Espanya
c. Inglatera
d. Pilipinas
13. Sino ang matalik na kaibigan ni Rizal na tumulong upang maipagpatuloy
ang paglilimbag ng kanyang nobelang El Filibusterismo?
a. V. Ventura
b. Dr. Blumentritt
c. Marcelo H. Del Pilar
d. Graciano Lopez Jaena
14. Ang lahat ay mga pangyayaring naganap sa Pilipinas habang nasa ibang
bansa si Rizal, MALIBAN SA ISA:
a. Inusig ang kaniyang pamilya kaugnay ng usapin sa lupa na umabot hanggang sa Kataas-taasang
Hukuman ng Espanya.
b. Ang tatlong paring sina Don Mariano Gomez, Don Jose Burgos at Don Jacinto Zamora ay binitay
sa Bagumbayan.
c. Ipinakasal sa iba ang kaniyang kasintahan (Leonor Rivera).
d. Tinanggihan ng mga pari na ilibing sa maayos na libingan ang isang mabuting Kristiyano na si
Mariano Herbosa (asawa ni Lucia Rizal) dahil lamang sa siya ay bayaw ni Jose Rizal.
15. Ano ang naging balakid paglilimbag ng El Filibusterismo?
a. Kakulangan sa pondo
b. Pagsamsam sa mga sipi
c. Panggigipit sa mga kamag-anak ni Rizal sa Pilipinas
d. Ipinakasal sa iba ang kaniyang kasintahan na si Leonor Rivera.

Pagsasanay 2:
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Pilipinang nag-aasal banyaga at itinuturing na mapait na dalandan sa nobela.


a. Donya Consolacion
b. Donya Victorina
c. Hermana Penchang
d. Paulita Gomez
2. Maganda at mayamang pamangkin ni Donya Victorina na katipan ni Isagani.
a. Hermana Penchang
b. Huli
c. Paulita Gomez
d. Sisa
3. Sinasabing mayamang mag-aaral na masigasig sa pagkakaroon ng Akademya ng Wikang Kastila.
a. Ben Zayb
b. Macaraig
c. Sandoval
d. Simoun
4. Anak ni Kabesang Tales na pumasok bilang guwardiya sibil.
a. Basilio
b. Simoun
c. Tadeo
d. Tano
5. Tsinong mangangalakal at kaibigan ng mga prayle na nais magkaroon ng konsulado ng Tsino sa Pilipinas.
a. Ben Zayb
b. Quirimit
c. Quiroga
d. Tano
6. Mayamang babaeng nagpahiram ng pantubos kay Huli bilang kapalit ng pagiging katulong nito.
a. Donya Consolacion
b. Donya Victorina
c. Hermana Narcisa
d. Hermana Penchang
7. Paring tinaguriang “moscamuerta” o patay na langaw.
a. Padre Irene
b. Padre Salvi
c. Padre Camorra
d. Padre Fernandez
8. Pinakatanyag na abogado na naging tanggulan ng mga kabataan sa planong pagpapatayo ng Akademya
ng Wikang Kastila.
a. Basilio
b. Ginoong Leeds
c. Ginoong Pasta
d. Don Tiburcio De Espadana
9. Matalinong mamahayag na hindi tapat sa pagsulat ng mga balita.
a. Sandoval
b. Ben Zayb
c. Macaraig
d. Basilio
10. Kura-paroko sa kumbento ng Tiani na nagtangkang pagsamantalahan si Huli.
a. Padre Salvi
b. Padre Irene
c. Padre Camora
d. Padre Fernandez
11. Espanyol na bahagi ng pamahalaan na ang tingin sa sarili ay siya lamang ang nag-iisip sa Maynila.
a. Ben Zayb
b. Don Custodio
c. Padre Camorra
d. Padre Fernandez
12. Mag-aalahas na nagbalik sa nobela upang pagbayarin ang lahat ng nanakit sa kanya at sa kanyang
pamilya.
a. Basilio
b. Ben Zayb
c. Simoun
d. Don Rafael
13. Mag-aaral na malapit sa mga guro at umaasa sa talino ng iba.
a. Basilio
b. Macaraig
c. Sandoval
d. Juanito Pelaez
14. Mag-aaral na walang pagpapahalaga sa pag-aaral.
a. Juanito Pelaez
b. Macaraig
c. Basilio
d. Tadeo
15. Banyagang nasa Pilipinas na binalot na ang katauhan ng kulturang Pilipino.
a. Basilio
b. Macaraig
c. Sandoval
d. Juanito Pelaez

Panuto: Tukuyin ang


kahulugan ng mga pahayag
ng tauhan sa tinalakay na
kabanata. Bilugan ang titik ng
napiling sagot.

1. “Isa po kayong tao na


bahagi ng buhay ko. Inakala
ng marami na patay na ngunit
batid kong babalik kayo upang
panagutin ang nagbigay
kasiphayuan sa buhay ninyo.”
– Basilio
a. Wala nang pakialam sa
nakaraan
b. Babalik upang ipakitang
may pakialam siya sa
nakaraan
c. Di na babalik at
kalilimutan na ang lahat ng
nangyari sa nakaraan
d. Magbabalik upang
maghiganti sa mga taong
nagdulot ng kabiguan sa
kanya
2. “Kailangang-kailangan ng
bansang ito ang mga
kabataang nangangarap ng
kalayaan, katiwasayan, at
kaunlaran.” – Simoun
a. Kabataan ang pag-asa
ng bayan
b. Ang kabataan ang
TAYUTAY

PANUTO: Basahin ang bawat pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. O, Pagsintang labis ang kapangyarihan, ‘Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
A. Pagtawag C. Pagmamalabis
B. Personipikasyon D. Pagtutulad
2. Langit ang tahanang ito.
A. Pagtutulad C. Pag-uyam
B. Pagsasatao D. Pagwawangis
3. Napaiyak ang langit sa iyong pag-alis.
A. Pagwawangis C. Pagtawag
B. Pagsasatao D. Pag-uyam
4. Para siyang buwan, ang hirap abutin.
A. Pagmamalabis C. Pagtawag
B. Pagsasatao D. Pagtutulad
5. Ikaw ay kasingtapang ng isang leon.
A. Pagwawangis C. Pagmamalabis
B. Pagsasatao D. Pagtutulad
6. Mahal siya ng kamera.
A. Pagwawangis C. Pagmamalabis
B. Pagsasatao D. Pagtutulad
7. Buwan sa kalangitan, nawa’y bigyan mo ng liwanag ang aking buhay.
A. Pagmamalabis C. Pagsasatao
B. Pagtawag D. Pagtutulad
8. Mamamatay na ako sa kakatawa.
A. Pagsasatao C. Pag-uyam
B. Pagmamalabis D. Pagtutulad
9. Nakapaka kyut mo, parakang aso!
A. Pagwawangis C. Pag-uyam
B. Pagmamalabis D. Pagsasatao
10. Ang ganda naman ng damit mo, kay ganda gawing basahan.
A. Pagwawangis C. Pagsasatao
B. Pag-uyam D. Pagtutulad
11. Kasinglaki ng asul na balyena ang tambak kong takdang-aralin.
A. Pagmamalabis C. Pagsasatao
B. Pagtawag D. Pagtutulad
12. Ang oras ay ginto.
A. Pagsasatao C. Pag-uyam
B. Pagmamalabis D. Pagtutulad
13. Ngumiti sa akin ang araw.
A. Pagsasatao C. Pag-uyam
B. Pagmamalabis D. Pagtutulad
14. O mga alon, lunurin mo ang aking kalungkutan!
A. Pagmamalabis C. Pagsasatao
B. Pagtawag D. Pagtutulad
15. Namatay ako sa kahihiyan.
A. Pagwawangis C. Pag-uyam
B. Pagmamalabis D. Pagsasatao
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga pahayag ng tauhan sa tinalakay na kabanata. Bilugan ang titik ng
napiling sagot.

1. “Isa po kayong tao na bahagi ng buhay ko. Inakala ng marami na patay na ngunit batid kong babalik kayo
upang panagutin ang nagbigay kasiphayuan sa buhay ninyo.” – Basilio
a. Wala nang pakialam sa nakaraan
b. Babalik upang ipakitang may pakialam siya sa nakaraan
c. Di na babalik at kalilimutan na ang lahat ng nangyari sa nakaraan
d. Magbabalik upang maghiganti sa mga taong nagdulot ng kabiguan sa kanya
2. “Kailangang-kailangan ng bansang ito ang mga kabataang nangangarap ng kalayaan, katiwasayan, at
kaunlaran.” – Simoun
a. Kabataan ang pag-asa ng bayan
b. Ang kabataan ang siyang sisira sa bayan
c. Ang kabataan ang saksi sa pagbangon ng bayan
d. Kailangan ang mga kabataang may matayog na panagarap para sa bayan
3. “Humimlay ka sa kapayapaan at sa iyong libingan. Hindi ka na makaririnig ng mga daing sa karimlan.” –
Basilio
a. Malaya na sa mga suliranin ng bayan
b. Makararanas pa ng kapighatian
c. Labis na pagmamahal sa pamilya
d. Wala nang pakiaalam sa bayan
4. “Huli na po tayo, pumanaw na siya.” –Basilio
a. Nagkita sa huling sandali
b. Nagtagpo sa huling hantungan
c. Hindi na maibabalik ang kahapon
d. Hindi nakaabot sa huling sandali ng kanyang buhay
5. Nakaiinip ang takbo ng mabagal na orasan.” -Basilio
a. Pagdaan ng araw
b. Nais tumigil ang araw
c. Nayayamot sa paghihintay
d. Nagmamadaling maisagawa ang gawain

Você também pode gostar