Você está na página 1de 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Ifugao
TINOC NATIONAL HIGH SCHOOL

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Pangkalahatang Panuto:
a. Ito ay Maramihang Pagpipilian na binubuo ng 30 na aytem. Ito ay sumasaklaw sa Kasanayang Pampagkakatuto na
tinalakay sa ikaapat na markahan.
b. Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel na ibibigay ng guro.
c. Huwag sulatan ang Test Paper.
1. Sa pagpapakatao, paano naging pinakamabuting dahilan ang paghingi ng gabay sa Diyos sa isasagawang
pagpapasiya?
A. Kung mananalangin ka ay hindi ka mahihirapan sa buhay.
B. Kung mananalangin ka ay madali na lang ang magpasiya.
C. Kung mananalangin ka ay siguradong matutulungan kang tuparin ang iyong mga minimithi sa buhay.
D. Kung mananalangin ka ay mabibigyan ng linaw kung ano talaga ang gusto ng Diyos na iyong gagawin.
2. Bakit tao lamang ang biniyayaan ng isip at kilos-loob?
A. Dahil nilikha niya ang tao na hindi perpekto. B. Dahil tao lamang ang tanging nilikha ng Diyos.
C. Dahil tao lamang ang pinagkakatiwalaan ng Diyos.
D. Dahil may kakayahan na kilalanin at gawin ang tama at nararapat.
3. Bakit mahalagang tingnan ang maaaring kahihinatnan o bunga bago gumawa ng pagpapasiya?
A. Dahil maaaring pagsisihan ito sa huli. B. Dahil maaaring hindi naaayon sa kabutihan ng kapuwa.
C. Dahil maaaring mabuti ito para sa sarili pero hindi sa kapuwa.
D. Dahil ikaw lamang ang maaapektuhan sa maaaring resulta o bunga nito.
4. Bakit nararapat na pag-aralang muli ang ginawang pagpapasiya?
A. Dahil ito ay para sa pansariling kapakanan lamang.
B. Dahil maaaring magkamali ang isip at kilos-loob sa paghuhusga.
C. Dahil kailangan na isip lamang ang gagamitin upang makapagpasiya nang mabuti.
D. Dahil mahalaga na isaalang-alang ang mas mataas na kabutihan o higher good.
5. Paano ang pagsasaalang-alang ng mabuting pagpapasiya para sa mas mataas na kabutihan o higher good?
A. Nag-aaral nang mabuti si Pam upang makatapos at magkaroon ng diploma.
B. Gustong magtapos ng pag-aaral si Lea upang maiahon niya sa kahirapan ang kaniyang pamilya.
C. Pinagbutihan ni Kara ang pagiging working student niya upang may maipagmalaki siya sa lugar nila.
D. Nagsusumikap si Earl na makatapos ng pag-aaral upang makatulong sa mga taong nangangailangan.
6. Si Leo ay naghahanda na sa kaniyang kukuning kurso sa kolehiyo, nangalap siya ng impormasyon sa gabay ng
kaniyang mga magulang at guro. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang tinutukoy ng sitwasyon?
A. Pagsasawalang bahala B. Magkalap ng kaalaman C. Tayahin ang damdamin sa pagpili
D. Magnilay sa mismong aksyon ng kurso
7. Bakit kailangang magkaroon ng paniniwala na matupad ang mga pangarap?
A. Dahil ito ay para sa sariling kapakanan lamang.
B. Dahil isa itong malaking kontribusyon sa pagsisikap ng tao.
C. Dahil maaaring gamitin ito sa paghihiganti sa mga taong nang-aapi.
D. Dahil ito ang magbibigay katuparan sa lahat ng gustong makamtan.
8. Ano ang ibig sabihin ng linyang “bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip?”
A. Mahirap talaga ang gumawa ng pasiya. B. Kinakailangan ng mahabang panahon sa pagpapasiya.
C. Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasiya ang panahon.
D. Ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay nakabatay sa panahon.
9. Ano ang pinakamalapit na kahulugan sa pahayag ni Helen Keller na “Mas malala pa sa pagiging bulag ang may
paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan?”
A. Mahirap ang maging isang bulag. B. Hindi mabuti ang walang pangarap.
C. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin.
D. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay.
10. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang lahat ng ating kilos ay nakabatay sa isip at kilos-loob.
B. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.
C. Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.
D. Ang Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasiya
11. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?
A. Dahil maaaring maligaw siya ng landas. B. Dahil may masasaktan sa maaaring kahihinatnan.
C. Dahil ang bawat kilos ay walang batayan, dahilan at pananagutan.
D. Dahil makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
12. Ang tiwala sa sarili ay ang paniniwala sa sariling kakayahan. Nadaragdagan ang tiwala natin sa ating sarili kapag
tayo ay nakatatapos ng isang gawain nang may kahusayan. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ito ay hindi namamana. B. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon.
C. Ito ay unti-unting natutuklasan bunga ng karanasan.
D. Ito ay hindi nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sarili.
13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa Personal na Misyon sa Buhay?
A. Gawain tungo sa paglilingkod sa kapuwa. B. Batayan ng tao sa pagyaman at pagsikat.
C. Magandang paraan upang makilala ang kagandahan ng sarili.
D. Katulad ng isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mangyari sa buhay.
14. Ang mga sumusunod ay paraan na iminungkahi ni Covey upang makabuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay maliban sa isa.
A. Pilitin ang sarili sa pagbuo ng layunin. B. Mangolekta ng mga kasabihan o motto.
C. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip. D. Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito.
15. Ang mga sumusunod ay mga paglalarawan kung ano ang Personal na Pahayag ng Misyon sa buhay maliban sa isa.
A. Para itong balangkas ng iyong buhay. B. Ito ay isang personal o pansariling motto o kredo.
C. Ito ay nagpapahayag ng iyong mga kahilingan sa buhay.
D. Ito ay nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay.
16. Alin sa mga tauhan na nakalahad ang nagpapakita ng paghubog ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
A. Si Niro na tumigil sa pag-aaral dahil bagsak sa tatlong asignatura.
B. Si Kira na umaasa lamang sa ibinibigay ng kaniyang mga magulang.
C. Si Megan na laging nanlilibre ng pagkain dahil may kaya ang pamilya niya.
D. Si Mila na pinagsasabay ang pag-aaral at pagiging student assistant para makapagtapos ng pag-aaral.
17. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa pagkamit ng itinakdang mithiin, maliban sa isa.
A. Isulat ang itinakdang mithiin. B. Itigil ang pagkilos sa pagkamit ng mithiin.
C. Isulat ang kabutihang dulot mula sa itinakdang mithiin.
D. Isulat ang takdang panahon ng pagtupad ng iyong mithiin.
18. Ang mga sumusunod ay bumubuo sa proseso ng mabuting pagpapasiya, maliban sa isa.
A. Panahon B. Panaginip C. Pagpapahalaga D. Isip at damdamin
19. Ano sa palagay mo ang nararapat gawin kung may agam-agam sa pagpapasiya?
A. Gawin ang magpapasaya sa iyo. B. Gawin ang magpapasaya sa mas nakararami.
C. Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka nakapipili.
D. Pag-aralang muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.
20. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mabuting pagpapasiya maliban sa isa.
A. Mas pinili mong gumawa ng proyekto kaysa makipaglaro ng Counter Strike.
B. Pinili mo ang modular na pag-aaral dahil iyon lang ang kaya ng iyong mga magulang.
C. Hindi ka sumasama sa mga kapatid mo kapag naggo-grocery dahil bawal kang lumabas dahil sa iyong
edad.
D. Isinumbong mo sa iyong guro ang mga kaklase mong nagkokopyahan dahil gusto mong gumanti sa
pambubulas nila sa iyo.
21. Sino sa mga tauhan ang nagpapakita ng unang hakbang sa paggawa ng wastong pagpapasiya?
A. Naisip ni Den na hindi na siya mag-aaral sa susunod na pasukan at maghanap na lamang ng trabaho sa
Maynila.
B. Nag-iisang anak si Ryan kaya hindi na niya kailangan pang mag-aral dahil may negosyo naman sila na
mamanahin niya.
C. Gusto ni Rica na magkasama sila ng kaibigan niyang si Ana kaya kung ano ang kursong kukunin ni Ana ay
iyon din sa kaniya.
D. Nagtanong si Glen sa mga nakatatandang kapatid, magulang at guro tungkol sa kursong Engineering na
kukunin niya sa kolehiyo dahil naaayon ito sa mga hilig, kasanayan at talento.
22. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa isang taong may pangarap maliban sa isa.
A. Handang kumilos upang maabot ito. B. Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap.
C. Nadarama ang pangangailangan upang makuha ang mga pangarap.
D. Hindi naniniwala na maging totoo ang pangarap at hindi niya gawing totoo ito.
23. Ang ating mga pagpapasiya sa buhay ay maihahanlintulad sa larong chess na kinakailangang mamili ng tamang
piyesa na igagalaw at magpasiya ng gagawing galaw. Ano ang pinakamalapit na konklusiyon sa pahayag na ito?
A. Hindi kailangang seryosohin ang buhay dahil gaya ng chess ay laro lang ito.
B. Gaya ng larong chess, may mga panahon sa buhay na ikaw ay mananalo at matatalo.
C. Sa buhay gaya ng larong chess ay palaging may tagumpay at gantimpalang matatanggap.
D. Kinakailangan na sa bawat galaw at desisyon sa buhay ay dapat ito’y pinagiisipan at pinag-aaralang mabuti
katulad ng larong chess.
24. Kahit na may CoViD-19 Pandemic may nagawang pasiya at kahalili (alternative) si Mang Jose upang maibigay niya
ang pangangailagan ng kaniyang pamilya. Ang sitwasyon na ito ay nagpapatunay na may kakayahan si Mang Jose na
____________.
A. magpasiya B. mapanagutang kilos C. harapin ang pandemiya D. maging matatag ang kalooban
25. Ano ang kaugnayan ng pagpapasiya sa pangarap at mithiin?
A. Ang pagpapasiya ay nakatutulong sa tao.
B. Ang pagpapasiya ay ginagawa ng tao sa mga panahon na may problema o suliranin.
C. Ang pagpapasiya ay ginagawa ng tao upang matupad ang kaniyang mga pangarap o mithiin.
D. Ang pagpaapasiya ay isang mahalagang bagay na dapat taglay ng tao para mabuhay sa mundo.
26. Ang pagsangguni sa Guidance Teacher at Guidance Counselor ay isangmagandang paraan upang mas
detalyadong malaman ang nilalaman ng bawat track sa Senior High School? Bakit?
A. Tama, dahil sila ang naatasan ng punongguro kaya marapat na sa kanila ka sumangguni.
B. Tama, sila ay maaaring gumabay sa pagpili mo ng track dahil alam nila ang iba’t ibang curriculum exit.
C. Mali, mas mainam na sumangguni sa mga kaibigan dahil sila ang mas nakakikilala sa iyo dahil sa tagal ng
iyong pinagsamahan.
D. Mali, may mga makabagong pagsusuri ng sarili na maaaring kunin sa internet kung saan nagbibigay na din
ng mga interpretasyon ayon sa iyong mga iskor.
27. Gusto ng magulang mo ang kursong Nursing. Kapag hindi mo sila sinunod ay hindi ka nila pag-aralin sa kolehiyo.
Paano mo kukumbinsihin ang iyong magulang para pumayag sa gusto mong kurso?
A. Humingi ng tulong sa kapatid para kumbinsihin ang iyong mga magulang.
B. Sabihin sa mga magulang na hindi na mag-aaral kung ayaw nila sa kursong gusto mo.
C. Humingi ng tulong sa mga kaibigan para tulungan ka na kumbinsihin ang iyong mga magulang.
D. Ipaliwanag sa magulang na ang kursong napili mo ay paalam naaayon sa iyong mga interes at kagalingan.
28. Bago gumawa ng pasiya sa anumang suliranin. Alin sa sumusunod ang una at pinakamabuting magagawa mo?
A. Manalangin at humingi ng gabay. B. Kausapin ang matalik na kaibigan
C. Humingi ng payo sa mga nakatatanda D. Itala ang mga maaaring gawin o solusyon.
29. Sino sa mga tauhan sa bawat pahayag ang nagsaalang-alang ng mabuting pagpapasiya para sa mas mataas na
kabutihan o higher good?
A. Nag-aaral nang mabuti si Pam upang makatapos at magkaroon ng diploma.
B. Gustong magtapos ng pag-aaral si Lea upang maiahon niya sa kahirapan ang kaniyang pamilya.
C. Pinagbutihan ni Kara ang pagiging working student niya upang may maipagmalaki siya sa lugar nila.
D. Nagsusumikap si Earl na makatapos ng pag-aaral upang makatulong sa mga taong nangangailangan.
30. Ayon kay Stephen Covey, ang misyon sa buhay ay nagkakaroon ng kapangyarihan o kabuluhan kung ________.
A. kinikilala ng tao ang tungkulin sa kapwa
B. nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian
C. nagagamit sa araw-araw nang mayroong pagpapahalaga
D. nagagampanan ng balanse ang tungkulin sa pamilya, sarili at kapwa
31. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay bilang anak, mag-aaral at
kabataan?
A. Pagpasok nang maaga sa paaralan para hindi utusan ng mga magulang.
B. Pagtulong sa kamag-aral sa pagsagot ng mga gawain ngunit may kondisyon o kapalit.
C. Paggising nang maaga at pagtulong sa mga gawaing bahay bago pumasok sa paaralan.
D. Pagpapaalam sa mga magulang na papasok sa paaralan pero iba pala ang pupuntahan.
32. Alin ang halimbawa ng Misyon bilang isang mamamayan sa panahon ng pandemya?
A. Ipagsawalang bahala ang mga nangangailangan ng tulong.
B. Labis na luho sa kabila ng mga nagtataasang bilihin at iba pa.
C. Paggamit sa perang panghanda sana sa kaarawan sa pagtulong sa mga mas nangangailangan.
D. Tumambay at hintayin ang mga tulong mula sa gobyerno dahil dapat lang na magbigay sila sa mga
mamamayan.
33.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pagpapasiya?
A. Hindi paglabas ng bahay tuwing may dadaang patrol.
B. Pagmamano sa mga kamag-anak lamang na nakatatanda.
C. Hindi pagpilit sa magulang na bumili ng gadyet dahil sa kakulangan ng badyet.
D. Pagkokomento sa social media ng hindi maganda sa mga taong hindi sumusunod sa batas.
34.Gaano kahalaga ang magkaroon ng tamang direksiyon sa buhay ng isang tao?
A. para maging mayaman B. para magkaroon ng pera C. para matupad ang ating layunin sa buhay
D. para mapasaya ang mga magulang lamang
35.Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang
pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng banta sa pagpapasiya?
A. ang hindi naglalaan ng sapat na oras o panahon ng pag-iisip
B. ang pagpapasiya gamit ang isip at damdamin
C. ang pagtatangi o diskriminasyon D. ang pag-unawa sa kalagayan
36. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
A. Pabago-bago ng ambisyon sa buhay.
B. Nagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral sa gitna ng kahirapan.
C. Hindi nagpapaapekto sa mga bagay-bagay kahit na may taong nasasaktan.
D. Pinipilit ang sariling kagustuhan sa gitna ng pagtutol ng mga taong nakapaligid.
37. Alin ang nagpapakita ng mabuting pagpapasiya sa panahon ng kalamidad?
A. Ang pamilya Costa ay napagpasiyahang mamahagi ng tulong sa mga nasalanta at ito ay kanilang ipinopost
sa social media.
B. Ang pamilya Nabor ay sumunod sa abiso ng kanilang barangay na magevacuate habang wala pa ang
bagyo at sumunod sa lahat ng health protocols.
C. Ang pamilya Rodillas ay napagpasiyahang hindi lumikas bago ang bagyong Ulysses dahil sa takot na
mahawa ng Covid-19 sa evacuation center kung kaya nang mismong araw ng pagsalanta ng bagyo
kinailangan silang i-rescue dahil sila ay nasa bubong na ng kanilang bahay.
D. Ang pamilya Salen ay nagpasiyang mamalagi na lang sa unang evacuation center na kanilang pinuntahan
kahit na sila ay inabisuhang lumipat na lang dahil sa sobra na ang bilang ng pamilyang namamalagi dito.
38. Sa pagtatakda ng mithiin kailangang maging SMARTA, alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapabibigay
kahulugan sa SMARTA?
A. Specific-Measurable-Artistic-Relevant-Time-bound-Action-oriented
B. Specific-Measurable-Attainable-Related-Time-bound-Action-oriented
C. Specific-Measurable-Attainable-Relevant-Time-bound-Action-oriented
D. Specific-Manageable-Attainable-Refreshing-Time-bound-Action-oriented
39. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pangmatagalang mithiin?
A. maging guro sa aming pamayanan B. maging with honor sa ika-apat na markahan
C. Manalo sa isang quiz bee sa aming paaralan D. makapasa sa ika-apat na markahang pagsusulit
40. Si Elna ay nasa ikasampung baitang sa haiskul. Magpahanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung ano ang
kursong gusto niyang kunin kung kaya hindi pa niya alam kung anong track ang kukunin niya sa Senior High School.
Ano ang maipapayo mo sa kaniya upang siya ay magabayan sa kaniyang pagpapasiya?
A. Sundin ang nais ng mga magulang para sa kaniya.
B. Hahayaan na lamang ang tadhana kung ano ang magiging kapalaran niya sa buhay.
C. Payuhan siya na magkaroon ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay dahil ito ay isang mabuting gabay
sa pagpapasiya.
D. Magtanong sa mga kaklase kung ano ang kanilang pangarap at iyon na lamang din ang kaniyang magiging
pangarap para sa sarili.
41. Si Leah ay nais maging guro pagdating ng araw. Bata pa lamang siya ay ito na talaga ang kaniyang nais. Kahit
hikayatin siya ng mga kaibigan na kumuha ng ibang kurso sa kolehiyo ay hindi niya ito pinapakinggan. Ano ang
ipinakita ni Leah sa kaniyang pangarap na maging guro kahit hikayatin siya ng kaibigan ay hindi pa rin nagbago ang
nais niya?
A. Ipinakita ang tunay na ikaw. B. Nanatiling bukas ang komunikasyon.
C. Alam talaga kung ano ang nais sa buhay. D. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan.
42. Niyaya si Jay ng kaniyang kaklase na huwag pumasok at pumunta sa computer shop. Hindi kaagad siya sumagot
ng oo bagkus ito ay kaniyang pinag-iisipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang maging epekto nito kung
sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Jay?
A. may pagninilay sa mga pangyayaring may kaugnayan sa kaniyang magiging aksyon
B. paghingi ng gabay ng Diyos sa kaniyang isasagawang pasya
C. may pagtataya sa isinagawang pasya D. maghanap ng ibang kaalaman
43. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Joy ang pagpapasiya, palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba
ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan. Sa iyong palagay, anong bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si
Joy? A. may pagninilay sa mga pangyayaring may kaugnayan sa kaniyang magiging aksyon
B. paghingi ng gabay ng Diyos sa kaniyang isasagawang pasya
C. may pagtataya sa isinagawang pasya D. paghanap ng ibang kaalaman
44. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng paggawa ng mabuting pagpapasiya?
A. Pagliban sa klase para maglaro ng Mobile Legend. B. Pangunguha ng pulot-pukyutan sa oras ng klase.
C. Pagsagot sa mga gawaing pagkatuto at pagpasa sa takdang oras.
D. Pamamasyal kasama ang kaibigan gamit ang motor na walang suot na helmet.
45. Gusto mong bilhin ang sapatos na matagal mo ng inaasam kaya pinag-ipunan mo ito. Bibilhin mo na sana sa araw
na iyon pero nagkaroon kayo ng proyekto na nangangailangan ng mga kagamitan kaya mag-aambagan kayo para
dito. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Bibilhin ang sapatos dahil matagal mo na itong pinag-ipunan.
B. Bibilhin ang sapatos at hihingi sa mga magulang ng pambayad sa kontribusyon para sa proyekto.
C. Mangutang ng pambayad sa kontribusyon at bibilhin ang sapatos.
D. Unahing bayaran ang kontribusyon para sa proyekto at pag-iipunan muli ang pambili ng sapatos.
46. Gusto mong tumulong sa mga nasalanta ng bagyo pero wala kang maibigay na pera o salapi dahil kapos rin kayo.
Nakita mo ang mga luma ngunit maayos pang damit sa iyong kabinet. Ano ang maaaring mong gawin sa mga ito?
A. Ibenta ang mga lumang damit. B. Mangutang sa kakilala para may maibigay na donasyon.
C. Kunin ang mga damit ng kapatid para may maibigay na donasyon.
D. Kunin ang mga lumang damit upang ibigay bilang donasyon at sumali sa mga grupo ng aktibong
volunteers na magpamahagi ng mga relief goods sa inyong barangay.
47. Sa new normal ngayon, hindi naman kayo nakikita ng inyong guro sa lahat ng oras kaya inaya ka ng kaibigan
mong maglaro ng Mobile Legend habang may online class. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasali ako dahil hindi naman malalaman ng guro ko.
B. Sasali ako pero mag-aaral pa rin ako habang naglalaro.
C. Hindi ako sasali dahil oras ng klase, dapat unahin ang pag-aaral kahit na hindi ako nakikita ng guro namin.
D. Hindi ako sasali dahil may klase pa, hindi ako makapaglalaro nang maayos kung pagsasabayin ko ang klase
at paglalaro.
48. Ang bawat pamilya ay makatatanggap ng isang relief goods upang lahat ay mabigyan. Ang pamilya mo ay
nakatanggap ng dalawa. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Pabayaan ang sobrang relief goods. B. Ibalik ang sobrang relief goods na natanggap.
C. Huwag sabihin sa iba na nakatanggap ng sobrang relief goods.
D. Huwag ng ibalik ang relief goods dahil hindi naman nila kasalanan na nabigyan sila ng tig-dalawa.
49. Ang mga kaibigan mo ay nagkopyahan sa takdang aralin ninyo sa Math, sinabihan ka nila na pakokopyahin ka
nila. Ano ang gagawin mo?
A. Makikikopya ako kasi hindi ko alam ang sagot. B. Hindi ako makikikopya kasi mali ang sagot nila.
C. Makikikopya ako, sila na mismo magpapakopya baka magtampo kapag tinanggihan ko.
D. Hindi ako makikikopya kasi hindi ako matututo kung masasanay ako sa pangongopya lang.
50. Pumunta ng palengke ang iyong ina. Ibinilin niya na maglinis ka ng bahay para pagdating niya ay magluluto na
lamang. Ngunit may inaabangan kang palabas sa telebisyon na ayaw pong palampasin sa panonood. Ano ang iyong
uunahin
A. Panoorin muna ang paboritong palabas at maglilinis pagkatapos.
B. Unahing maglinis para matapos agad at mapanood ang paboritong palabas.
C. Sabihin sa nakababatang kapatid na siya muna ang maglinis para mapanood mo ang iyong paboritong
palabas.
D. Manonood muna ng paboritong palabas at gawin na lang sa ibang araw ang paglilinis ng bahay dahil hindi
pa naman masyadong makalat.

Você também pode gostar